THIRTY SEVEN

432K 5.4K 127
                                    

add me on FB Bluekisses WP..

Enjoy Reading!

CHAPTER THIRTY SEVEN


LARA

"MOMMY, gising ka na?" idinilat ko ang kaliwang mata ko at napapikit uli ako when I saw Ric na malapit na malapit ang mukha sa'kin.

"'My, gising ka na." ayan na naman sya kagabi he started calling me Mommy, para daw masanay si Ethan at ang demanding nya, gusto nya naman Daddy ang itawag ko sa kanya, na-alala ko na naman tuloy yung mga panahong nagtatampo sya when I don't call him Babe.

"Ang aga-aga pa eh," mahinang reklamo ko, kasi talagang ina-antok pa ako.

"Anong maaga it's already 10 in the morning." tinakpan ko nalang ang mukha ko ng unan para hindi nya ako guluhin, feeling ko kasi niloloko nya lang ako para bumangon na ako.

"Ayaw mong bumangon? Siguro tinatamad ka, kasi nandyan na yung reward ko." dun ako napadilat sa sinabi nya.

"Hindi ah," defensive na sagot ko na nagpatawa dito. One week palang naman kaya imposible, tsaka uminom ako kagabi.

"I'm just kidding." he said at kinurot ako sa ilong. "Parating palang yung reward ko di'ba? Kasi kagabi ko palang yun ginawa." sabi niya na itinaas-taas pa ang magkabilang kilay, nag-init tuloy ang pisngi ko. "Maliligo muna ako." Paalam nito, pero bago pa man makapasok ay lumingon pa ito. "Wanna join me? Para ma-sure na yun--ouch." di na nito natuloy ang sinasabi nya, dahil sa pagbato ko sa kanya ng unan.

Mas nag-init tuloy ang pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi nya, naalala ko tuloy yung usapan namin kaninang madaling araw and about his confessions...

-----

"'My you have to pay me," he said out of the blue. He is now lying on my belly, napaisip ako sa sinabi nya, "Wala ah, ikaw kaya yung nagsabing sag--"

"Not that! Remember may bet tayo about Ethan's gender?" nanlaki ang mata ko when I heard what he just said. Hindi pa ako limot-limot para malimutan yun, pero did he take that seriously?

Tumingin ito sa'kin, at natawa ito sa kulay nang mukha ko, kahit kasi sa malamlam na ilaw ng lamp shade ay maaaninag pa din ang pamumutla ng mukha ko.

"I win, at may utang ka pa sa'kin." nangunot naman ang noo ko, sa sinabi nya. Utang?

"I know na nag-model ka pa rin sa London. It means na hindi ka tumupad."

"How do you know that?" I asked na napabangon na mula sa pagkakahiga ko, "I know all your whereabouts in London. I am there when you gave birth to Eth--"

Sa narinig ko ay parang nagkaroon ng kasagutan ang ilang katanungang nabuo sa isip ko."You mean you are there nung nanganganak ako? Sabi na nga ba!" di ako makapaniwala na tama ang hinala ko.

Nakaupo na ito at hinawakan ako pisngi "You don't know how happy I am that day." halata ang tuwa sa mukha nya.

"And it pierces my heart, pag nakikita kita with another guy, tapos nate-tyempo pang napunta sya sa bahay nyo, every time I'm there." I saw pain in his eyes while he is saying that.

"It was you?" mahinang bulong ko. "Yeah, I saw everything even that night when he kissed you, hindi ko maiwasang mag-isip kung ano pang ginagawa nyo, inside your house," malungkot na confess nito "Sshh," pagsaway ko dito. "Kaya nga ang tindi nang galit ko, when I saw you on the office that day, kasi tumatatak sa isip ko yung mga bagay na nakita ko."

Hinawakan ko na sya sa pisngi nya to comfort him. "No, no, walang anuman sa'min, he is just a friend." I assure him and kiss him on his forehead.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon