SPECIAL CHAPTER

343K 4.6K 175
                                    

The long wait is over! Thanks for waiting!

12.24.14

SPECIAL CHAPTER

Enrique's POV

Pinagbuksan na ako ng gate ni Manang Mina. Kaya idiniretso ko na ang sasakyan sa parking.

Bumaba ako ng sasakyan and proudly look at our house. We moved in after our wedding which is seven months ago. Yes seven months. Ang bilis.

"Ouch..." napabalikwas ako sa narinig ko. Kasunod nun ay ang pagtili ni Cara. Kaya kinabahan ako bigla. "Ser... si Mam..." sa narinig kong yun ay napatakbo ako sa loob.

Shet! My wife is now sitting on the last step of our stairs. "..Ric..." nahihirapang tawag niya sa'kin nung nakita niya ako.

"Daddy, okay lang po ba si Mommy?" It's Ethan, and yes marunong na siyang magtagalog.

"God! Ric...ssh... my water bag..." dun ako natauhan sa nangyayari. Our twin is coming. Namumuo na ang pawis ni Lara. Nilapitan ko na siya at inalalayan patayo.

"Manang yung gamit, pakilagay sa sasakyan." Di na magkandaugagang utos ko. Binuhat ko na si Lara.

It's not my first time, pero kinakabahan ako, I know how hard it is for her. Gan'to din nung kay Cara, but I guess it is more painful because it's a twin.

Isinakay ko na siya sa back seat, at ipinagbilin kay Manang ang mga bata. Tapos tumakbo na kami sa pinakamalapit na hospital.

Dinala agad siya sa ER. Pinagpalit na din ako ng lab gown, para makapasok na ako sa loob. As much as possible ay gusto ko na nandun ako pag nanganak ang asawa ko.

Naaawa ako sa itsura niya, halos namumuo na ang pawis sa noo niya.

"Sir, do you want to do it normal or cesarean?" hindi ko alam ang isasagot ko. Lara wants a normal delivery like what she had with the two, pero naaawa ako sa kanya... "Ces-"

"Nor-mal." she said sa nahihirapang boses.

"Babe, are you sure?" Tumango lang ito at nalukot na naman ang mukha, ayokong tignan ang itsura niya. Parang masakit.

God, sa lahat yata ng paglilihing pinagdaanan ng asawa ko, ito ang pinaka-nahirapan ako.

There are times na magigising siya in the middle of the night para humingi ng mga bagay na hindi ko alam kung s'an ko kukunin.

Marami ding instance, na ayaw niya akong makita. Kung kay Ethan ayaw niya sa amoy ko, kay Cara pinanggigigilan niya ako.

Dito sa huli, ayaw niya talagang lumapit sa'kin. Even if I want to kiss her or kung gusto kong maglambing.

Pero 'pag siya ang may gusto, kahit pagod ako, hindi ako pwedeng tumanggi dahil paniguradong di ako niyan kikibuin at magmumukmok pa siya.

She is very emotional these past few months. Inunawa ko nalang kasi alam kong mahirap ang sitwasyon niya. Knowing that the big ball in her stomach is a twin.

And my sacrifice nung mga panahong naglilihi siya, that is something special and unforgettable, iniisip ko pa nga kung gusto ko pang sundan e, pero syempre it is not only me who need to decide.

"Uwaa," I was back to reality when I heard that cry. 6:24 pm, baby boy.

Napangiti ako nung makita ko ang anak ko, "Another Misis." hinawakan ko pa ng mahigpit ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. "Very good, Mommy one more..."

"Ugghhh." ang higpit ng kapit niya sa kamay ko.

"Okay Misis...Relax... one, two, three...push..."

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon