NINE

573K 9.2K 264
                                    

CHAPTER NINE

LARA

Hindi ako nakatulog nang maayos matapos ang pangyayaring 'yon. That was too close. Nahuli niya akong nagsusuka at paniguradong napansin niya ang mga kinain ko.

Kapag nalaman niya paniguradong wala na akong lusot. Bakit ba kasi sumaktong nandito na ako nung pumunta siya dito?

Medyo masama man ang pakiramdam ko ay nag-decide ako na bumababa. Nagugutom na kasi ako. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako ng pagkain sa kwarto.

Babalik sana ulit ako sa kwarto nang maabutan ko si Enrique na kumakain ng breakfast. Pero nakita niya na ako at isa pa kailangan kong kumain--baka tuluyan na akong magcollapse sa gutom.

Napansin siya ang pagdating ko, kaya inangat niya ang paningin niya mula sa kinakain niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya habang papalapit ako sa table. "You look pale." Umakto pa siyang tatayo para lumapit sa akin.

"I—'m fine..." nahihirapang sagot ko, iwinagayway ko pa ang kamay ko sa ere. Nakahawak na ako sa upuan nung parang nagdilim ang paningin ko. Nakaramdam ako ng unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

"Lara!"

"Hija!"

-----

ENRIQUE

Mabuti nalang at maagap kong nasalo si Lara kanina. Sa sobrang aligaga ko ay nasigawan ko pa si Manang para kumuha ng susi. Nang makabalik siya ay mabilis kaming tumakbo sa pinakamalapit na ospital.

Nang makarating kami sa ospital ay pinasok agad siya sa emergency room. Naiwan kami ni Manang sa labas. "Hijo, tawagan mo si Lorenzo." Hindi mapakaling paki-usap ni Manang Lilia.

Lumabas ako sandali para tawagan si Tito.

-----

Halos isang oras lang ay nakarating na ng ospital si Tito. Kasalukuyang inililipat sa private room si Lara, kaya medyo nawala na ang kaba ko. Pero hindi pa siya nagigising.

"What happened to him Ricky? Is she alright?" hinihingal pang tanong ni Tito, nagmadali ata siyang makarating dito.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kay Lara kanina. Mabuti't wala pa daw sila sa Manila nung tumawag ako, kaya nakabalik agad sila ng driver.

Maya-maya lang ay pinapasok na kami ng nurse sa loob ng private room. Lara was in a peaceful sleep. At hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, she's like an angel.

"Are you the family?" napatingin kaming lahat sa pumasok na doktor.

"I'm her father."

"Good Morning I am doctor De Leon." Pakilala niya nakipagkamay kay Tito.

"Are you her husband?" natigilan ako sa tanong na 'yon sa 'kin ng doktor. 

"A—no!" mabilis na sagot ko, nang mahimasmasan ako.

"I'm sorry." Parang napahiyang dispensa niya, na bumaling na kay Tito.

"Nagpapahinga lang siya as of now, I think nagbabawi lang siya ng tulog. But can I talk to with you Mister..."

"Ng. Lorenzo Ng." sagot ni Tito.

"Okay Mister Ng, would you like us to talk privately or..." she trailed off, and look at me and Manang.

Naramdaman ko naman ang ibig sabihin n'un kaya umakma na akong lalabas but Tito stopped me by waving at me. Parang ama na ang turing ko sa kanya, matagal na rin kaming magkakila. Since my father died when I was 20, ako ang naiwan sa mga trabaho niya. Nung nakilala ko si Tito ay naging adviser ko siya, and I owe him the things I have now in business industry.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon