TWENTY SEVEN

463K 6.6K 176
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN


LARA

"W-what? H-how? Paano nangyari?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa binalita sa akin ng sekretarya ni Daddy.

"Okay, okay, I'll fix everything. Ikaw na muna ang bahala diyan." bilin ko. "Okay as soon as possible." paniguro ko.

"Thank you, Edrin." 'Yon lang at binaba ko na ang telepono. Kahit nanginginig pa ako dahil sa nalaman ko.

"What happened to Tito?" tanong agad sa akin ni Hannah.

"Nagka-minor stroke at nagkaroon pa ng komplikasyon dahil hindi niya pala naiinom sa tamang oras ang mga gamot niya sa hypertension." paliwanag ko sa kanya kahit hindi na ako mapakali. Mabuti nga at matatag ako, dahil hindi na ako basta-bastang naiiyak. Isa 'yon sa bagay na inalis ko sa sistema ko.

"Anong plano mo?" tanong sa akin ni Hannah.

Ikinibot-kibot ko ang nguso ko bago sumagot. "I have no choice." huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Ako na lang ang aasahan niya and besides, matagal niya nang hinihiling na makasama kami ng apo niya. Ayoko siyang balewalain sa panahon ngayon." diretsong sagot ko.

Twice a year kung dumalaw dito si Daddy, at sa bawat punta niya ay kinukulit niya ako na sumama na kami ni Ethan sa kanya pabalik, dahil hindi na rin daw siya bumabata. Gusto niya kaming makasama. Now it made sense. Para akong maluluha, kaya agad ko iyong pinigil.

"Paano si Ethan?" pagbasag ni Hannah sa katahimikan.

"Anong paano si Ethan?" kunot-noong balik tanong ko sa kanya.

"H'wag ka ngang magmaang-maangan Ate. Kung uuwi kayo, mas mapaplapit kayo sa asawa mo at syempre may karapatan pa rin siya sa anak niya, lalo na't kasal kayo." litanya niya. Napakagulo talaga nang isang 'to parang kanina lang ay inuutusan niya akong maghanap ng iba dito, tapos ngayon naman sinasabi na may karapatan pa sa akin ang asawa ko.

Naku, kung wala lang talaga sa tama ang mga pinagsasabi niya. Malamang ay kanina ko pa siya natutukan. Pero may punto nga siya.

"Hindi ko alam. Hindi naman siya ang sadya ko sa pag-uwi kun'di si Daddy." sagot ko. Nagkibit-balikat na lang siya na indikasyon na wala na siyang masabi.

"Ladies, why so serious?" napalingon kami pareho sa nang-uusisang si Derrick. Nakatayo na siya ngayon sa entrance ng kitchen.

"Nothing." nakangiting sagot ko na tumayo para balikan ang niluluto ko. Alam kong hindi satisfied si Derrick sa sagot o dahil sa pagkibot-kibot ng kilay at pangungunot ng noo niya.

"Where's Ethan?" pag-iba ko ng usapan.

"He's still playing there." sagot niya na imiuwestra pa ang ginagawa ni Ethan.

Maya-maya lang ay tumatakbo na si Ethan. "Uncle Derrick, let's play some more... come on." aya ni Ethan na pilit na hinihila ang braso ni Derrick.

"Ethan let's eat first, then you'll play later." napasimangot naman ang anak ko sa sinabi ko. Ugali talaga niyan, ayaw na pinipigilan sa mga gusto niya. Ewan kung kanino 'yan nagmana.

"Let's eat first big boy, okay?" pang-aamo ni Derrick sa kanya na ginulo-gulo ang buhok ni Ethan.

"Mmmm, 'kay fine." napipilitang pagsang-ayon niya na umupo na sa pwesto niya sa kainan.

Tahimik kaming tatlo na kumain, Umalis na kasi si Hannah, may date daw. Asa naman ako d'un.

Hindi ako kumikibo dahil pinag-iisipan ko kasing mabuti kung tama ba ang magiging desisyon ko. Pero hindi ko naman maaaring balewalain si Daddy. Oo, si Dad lang naman ang sadya ko d'un pero may isang tao na takot akong kaharapin.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon