SEVEN

638K 8.5K 266
                                    

CHAPTER SEVEN

LARA

Eleven am na nung maisipan kong bumangon sa kama, timatamad talaga ako kahit kanina pa akong gising. Maybe this was what they called morning sickness. Tapos di pa ako nakatulog ng maayos, because as early as 5 am ay nagpabalik-balik na ako sa banyo at nagduduwal. Pero parang wala naman akong sinusuka.

Hay naku, I think mahihirapan ako nito sa pagbubuntis, knowing na walang nakaka-alam ng sitwasyon ko and I need to hide it hanggang kaya ko.

"Lara? Hija? Gising ka na ba?" I was cut-off to my thoughts when I heard Manang knocking.

"Opo, bababa na din po ako, mag-aayos lang po ako." Malakas na sigaw ko, bago tuluyang pumasok sa bathroom.

Halos kalahating oras din akong nag-ayos bago bumaba, I can hear my stomach growling. Nagugutom na ako. At alam kong hindi ko dapat iyon ipagpaliban, dahil hindi nalang ako ang kumakain. May kahati na akong dapat isipin.

Pababa na ako ng hagdanan when I heard the loud laughter of my father. Sino naman kaya ang kasama niya at parang sobrang saya niya kung makahalakhak?

Papasok na ako nang living room kung saan ko naririnig ang boses niya. I don't have any choice but to cross their way dahil 'yon lang ang daan papunta sa dining hall. My Dad was talking to someone whose back was facing me, kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"So my prodigal daughter is now awake." Mapang-uyam na pasaring niya, "Ah scratch that, gising na pala ang boarder ko." Ewan ko pero parang napipikon ako sa pasaring niya kaya sinagot ko siya.

"I'm sorry to interrupt you, I don't know that you have a guest, ito lang kasi ang daan papunta sa dining hall." Tuloy-tuloy na sabi ko, not minding that I said it sarcastically in front of his visitor. Bastos na kung bastos but he started it.

Tapos nagdire-diretso na ako papunta sa dining hall at umupo na sa pwesto ko. I was about to eat when I heard footsteps coming.

"Lilia handa na ba ang mga pagkain?" narinig kong sigaw ng Daddy ko. "Opo Sir, sumabay na po kayo kay Lara." Sagot ni Manang na nagpainit ng ulo ko. Naku, sasabay pa sila sa akin.

Nakayuko lang ako at seryoso sa pagkain nang maramdaman ko ang presensya ng mga makakasabay ko sa pagkain.

"Lara, bakit hindi mo man lang kami hinintay?" parang nang-iinis pang tanong ng magaling kong ama.

"I don't know that you'll also have your lunch and well—I eat anytime, and I prefer to eat alone, sanay naman ako d'un since my childhood days..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, nang mag-angat ako ng tingin at mapagawi sa lalaking naka-upo na sa harap ko. His ash colored eyes are intently looking at me, with his furrowed brows na mukhang nagulat nung makita ako.

Mabilis na nagbawi ako ng tingin. At binalik ang atensiyon sa kinakain ko, kahit ang totoo ay parang nawalan na ako ng gana.

"You?" he said in a very low voice, na alam kong hindi nakaligtas sa pandinig ni Dad. 

"So do you know each other?" naguguluhang tanong ni Dad, maaaring napansin niya ang tensyon sa pagitan namin, dahil sa biglang pananahimik ko.

"Yes."

"No."

Magkapanabay naming sagot na, nagpakunot sa noo ni Daddy.

"No, I think—It's the first time I saw him," agad na salo ko. Pero ang totoo ay hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba ko. "Maybe he just saw me on...on one of my ads." I said trying to hide that I'm uncomfortable but I can't help it because I stuttered. Nakita ko ang dagling lungkot na bumahid sa abuhin niyang mga mata nung marinig niya ang sinabi ko.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon