CHAPTER EIGHT

19.7K 218 26
                                    

[KATHY'S POV]

"Hindi ito yung in-order ko!"

Mangiyak-ngiyak ang waiter na nagserve ng pagkain sa amin ng sigawan ito ni Damon.

"S-sorry Sir."

"Sorry? Eh kung nagreresign ka na lang kaya sa trabaho mo?"

"Tama na." Pag-awat ko kay Damon. Tumingin siya sa akin ng masama.

"Palibhasa pareho kayong tatanga-tanga ng waiter na 'to." Baling niya sa akin. Umalis ang waiter at iniwan kaming dalawa.

I don't understand why his mood suddenly changed because of that phone call. Ang sakit na naman niyang magsalita.

"Ang sama mo." Halos pabulong kong sabi.

Hindi siya kumibo. Sumandal lang siya sa upuan. He ran his finger through his hair. Tapos ayun, salubong na naman ang kilay niya.

"Siya yung babaeng pinagtanggol ng transferee kanina di ba?"

"Oo, siya nga yun."

Narinig kong usapan ng mga babae mula sa kabilang table. Hanggang ditto ba naman ako pa rin ang topic nila?

Natigilan ako sa pagkain ng biglang tumayo si Damon mula sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung anong balak niyang gawin. Kinakabahan ako. Hindi pa yata siya tapos sa waiter na yon.

"S-saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Laking gulat ko ng lapitan niya ang mga schoolmates naming babae. At kagaya ko, nagulat din sila.

"Hi."

Hindi kinaya ng mga babaeng yon ang presence ni Damon. Kitang-kitang namimilipit sila sa sobrang kilig.

"Hi Damon ..." Halos sabay-sabay nilang bati ditto.

"Do you know her?" Sabay turo niya sa akin.

"No." Sabi nung isang babae.

"Wala naman kaming pakialam sa kanya." Sabi naman nung isa.

"I see." Tumatango-tango namang sang-ayon ni Damon sa kanila.

Nakaramdam bigla ako ng inis.

"Ihhhh!" Nagtilian sila ng ngumiti si Damon. Kulang na lang mahulog silang apat sa mga kinauupuan nila.

"Sa susunod na pag-uusapan niyo o sasaktan niyo ang girlfriend ko, hindi niyo na makikita sa salamin yang mga pagmumukha niyo." Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Damon.

Tumalikod siya at muli siyang bumalik sa table namin.

Hindi ako makapagsalita, makakibo at makahinga. I know that he just said that to make them stop bullying me. Pero ibang klase yung feeling.

"Wag kang mag-alala. Hindi mangyayari 'yon." Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin sa kung saang direksyon. "You're nothing compared to Julia so stop dreaming."

Daig ko pa ang sinunog ng buhay ng marinig ko 'yon. Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko kung sobra na ba akong nag-expect? O ito na yung katotohanang kailangan kong marinig para magising at tumigil ako sa kahibangang ito?

Tumigil ako sa pagkain saka ako tumayo.

"You're not yet done eating." Sabi niya sakin.

Unti-unting nanginit ang mukha ko. Kasunod noon ang mga luhang hindi ko na napigilan. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nagpakababa sa kanya ng ganito?

Diri-diretso akong lumabas ng restaurant. I heard him calling my name pero hindi ko na pinansin iyon.

"KATHY!"

Kasabay ng pagsigaw ni Damon ay ang muntikang pagsagasa sa akin ng isang bus. Natulala ako. Mabuti na lang at mabilis akong nakaatras kung hindi'y mamamatay pa ako ng dahil sa kanya.

"Ano ba? Nagpapakamatay ka ba?!" Sigaw niya sakin.

Kahit kinakabog ang dibdib ko sa sobrang takot at pagkabigla, pasigaw ko ring sinagot ang tanong niya. "Wala kang pakialam!"

"Ah ewan! Bahala ka sa buhay mo!"

Then he just walked away, just like he always does. Iniwan niya akong mag-isa. Walang lingun-lingon.

Hindi ko siya hinabol. Alam ko naman mataas pa sa torre ni Babel ang pride ni Damon. Magmumukha na naman akong tanga.

Ilang minute pa lang ang nakakalipas ay biglang may nagpatong ng jacket sa balikat ko. Nakaramdam ako ng saya. Hindi pala ako matitiis ni Damon. Hindi na pala niya ako kaya tiisin.

"You don't deserve to be treated like that."

Lumingon ako. And again, it wasn't Damon. It was the guy earlier. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling o kung bakit siya nandito sa lugar na 'to.

"You should be treated like a princess not some kind of a trash, you know." Dugtong pa niya.

"Sino ka ba? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"This is a public place." Sagot niya sakin.

"Oo nga. Pero sino ka ba?"

"I'm Erick." Inilahad niya ang kamay niya pero di ko tinanggap yon. Nagulat na lang ako ng kunin niya ang kanang kamay ko at ipinatong iyon sa kamay niya. "Again, I'm Erick."

Agad kong hinila ang kamay ko. "Tigilan mo nga ako."

"So ganyan ka pala magpasalamat sa taong naging concern sa'yo?"

I suddenly felt like I owe him something. And yes, I shouldn't be treating him this way.

"S-sorry."

"You don't have to say sorry. I understand."

Nakakasilaw naman ang kabaitan ng lalaking ito.

"Thank you."

Hindi ko pa rin maitago ang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang sabihin sakin yon ni Damon. Oo, mahal ko siya pero hindi ko na kayang panindigan ang pagiging tanga ko sa kanya. Baka palitan ko na ang Gomburza sa pagiging martyr nito.

"You know what, sumama ka na lang sakin. We have this dance battle near Mall of Asia every night. Baka sakaling makalimutan mo siya kahit sandali lang."

Hindi ako sigurado sa kanya. Hindi ko siya kilala at kalian ko lang siya nakita. Paano kung rapist pala tong taong to?

Tinitigan ko sila mula ulo hanggang paa. Gwapo naman. Ay hindi pala, sobrang gwapo lang. Mala-Enrique Gil ang itsura niya. Hindi rin naman siya mukhang rapist at wala rin sa pagmumukha niya na gagawa siya ng hindi maganda.

"Don't worry, hindi ako masamang tao." Mukhang nabasa niya yata ang nasa isip ko.

Napilitan tuloy akong ngumiti sa kanya.

"So ... sasama ka na ba sakin Kathy?"

Muli, inilahad niya ang kamay niya.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon