Chapter 13: A Jeepney Love Story

434 14 7
                                    

CHAPTER 13

[A Jeepney Love Story]

Good news: SA WAKAS!!! Natapos na rin yung praktis namin. Makakauwi na rin! Bad news: May praktis ulit kami bukas! >.< Ayoko sana, linggo pa naman eh!

Sana nalang hindi pa kami magpeperform sa Monday, parang sasablay pa kami dito. As usual, bunutan nanaman kung sinong grupo yung mauuna. Ako pa bubunot para sa grupo namin! Ako kaya yung leader nila.

Hay... makakasabay ko nanaman si Janelle at si Randel pauwi. Tumabi na kaya si Randel samin? Sakin lang naman eh, ayokong tumabi siya kay Janelle!

Hinatid na kami ni Andrew papuntang sakayan, tapos hinintay niya muna bago kami makasakay kami sa jeep.

Si Randel yung naunang sumakay... tapos ako naman. WAAH, chance ko na 'to para tumabi sa kanya! Tatabi ba ako??? Hindi ba awkward 'yun?

DIANNE, ANO KA BA?!?! AYAN NA YUNG PAGKAKATAON MO OH. TABIHAN MO NA!

Hindi ko alam...

Nahihiya ako eh...

Osige na nga!

Sinundan ko nalang siya kung saan siya umupo. Wala naman sigurong malisya kung tumabi ako sa kanya diba? Magkaklase kami, magkagrupo kami... eh magkatabi nga kami kanina habang nagcocomputer. Wala naman sigurong masama dun. Dianne, kalma ka lang. Wag ka magpahalata sa kanya!

Si Janelle naman, tumabi nalang din sa akin. Syempre, hindi naman 'yun hihiwalay eh. Lalo na dahil katabi ko si Randel. Hindi rin naman kami magkaaway, bakit kami hindi magtatabi?

"May practice pa ba tayo bukas?" -Janelle

"Ewan ko. Kung gusto nyo, edi sige."

"Sana wala na! Linggo kasi."

For the first time ngayong araw, nagkasundo din kami ni Janelle sa isang bagay!

Hmm... kausapin ko kaya si Randel? Oh, hintayin ko nalang na siya yung unang kumausap sa akin? Hahahaha, masyado na talaga akong namumuro ngayong araw!

Kausapin ko ba?

Hindi ko rin alam...

Osige na nga!

"Randel, makakaattend ka ba bukas?"

"Hindi ko alam eh. Tuloy pa ba yun?"

"Hindi ko rin alam eh."

Owsheeeeet. Pumara nanaman yung jeep. May sasakay na bago! Nako, mas madidikit pa ako kay Randel nito! Yak, ang manyak ng dating! Pero, pwede bang wag nalang sila bumaba?

"Basta text mo ako mamaya ha." -Randel

HINDI KO NA MABILANG YUNG LAMANG KO KAY JANELLE, NAWALA NA AKO SA BILANG! Hahahaha. Sige ba, gusto mo araw-araw, minu-minuto pa kita itext diyan eh!

"Mga 7PM. Kung nagreply ako... aattend ako."

"Sige lang."

Pwede ba, kahit hindi ka pa aattend, replyan mo ako? O.O

"Turuan mo ako sa Monday ha."

Makakasama ko nanaman siya sa Monday! Makakausap ulit kami! Excited na agad akong mag-Monday! :"""">

"Diba taga-Alabang ka?"

"Oo, bakit?"

Banat? BABANAT BA?

[A/N: Kaya nyo bang gumawa ng pick-up line para diyan? Hahahaha!]

"Wala lang. Ang layo mo papala."

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon