Pahiram

1.1K 17 0
                                    

***

Pahiram ng ngiti
sa tuwing naluluha itong mata
sa alaalang hindi sa atin

Pahiram ng bait
sa tuwing nayayanig
itong isip
sa paglimot
sa pag-ibig na hindi ikaw

Pahiram ng lakas
sa tuwing nanghihina
itong katawan
at halos di tumibok
itong pusong naghihingalo

Pahiram ng ilang sandali
ng saya
sa tuwing ipagluluksa
ang paglagapak at pag-ikot
sa palad niya.

Alam kong
malupit ako kaysa sa malupit
mas malupit sa kanyang
di ako agad mabitawan
kahit dapat
malupit sayong
di ko mahawakan
kahit dapat
Oo, alam kong
mali ako kaysa sa lahat ng mali
mas mali sa kanyang
hindi kayang umibig ng isa lang
nagkakamali sayong
iniibig ko na yata ay di pa rin mapaniwalaan.

Pero maghintay ka pa
nang kaunti, mahal
pagka't isang araw,
siguradong di na ako manghihiram
at lahat ng ipinagdamot ko
— bait, ngiti, lakas, saya
pag-ibig—
pag tapos na ang lahat
ng kahibangan,
ay kusa kong iaalay
sa iyong paanan.

Sa araw na iyon
ako naman ang magbibigay
at iibig sayo. 

#Aug162016 #FallbackGirlFeels

Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now