Pagkatapos

6.7K 169 8
                                    

PAGKATAPOS

September 7, 2010

Pinid

ang pinto ng iyong silid

tulad ng labi mong 

walang ibang alam

kundi pamamaalam

Tumigil na rin kaya sa pagtibok

ang puso mong di ko mahawakan?

Tahimik

na nagmamasid

ang mga mata mong

tanging nakaabang 

sumaksi sa aking paglisan

Tumigil na rin kaya sa pagpatak

mga luha kong panghugas-kamalian?

Lagas

ngunit nakapiit

pluma, papel at pangguhit

ng magsimula tayong mamanhid 

sa dating lambing ng pag-ibig.

Ang pangako pala ay akala lamang

lalo na't kung walang paninindigan...

Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now