Makabayan Poem | Untitled

1.1K 20 0
                                    

Pilipinas,
Patawarin mo
ang aking daliri
na mas maingay
kaysa sa aking bibig;
mas maligalig
kaysa sa aking pananalig;
mas mapilit
kaysa sa aking pagnanais;
at mas malikot
kaysa sa inilakbay ng aking mga paa
patungo sa aming
inaasam na pagsagana.

Patawarin mo
ang aking pang-upo
na mas matatag
kaysa aking adhika;
mas walang tinag sa silya
kaysa aking hustisya
sa pagto-trono sa iyo
sa pangarap na tadhana.

Pilipinas
patawarin mo
ang salat kong
pag-ibig.

#Dec182015

Art for Heartaches (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon