Isang Gabi

785 9 0
                                    

***

Isang gabi,
sa ilalim ng sinag ng buwan
at bulong
ng mga tagong anino sa daan,
halos hilahin ang mga paa
upang umusad,
sumadsad,
at mahikayat
ang katawang umuwi,
iwanan
ang bawat bagabag
at nagbabadyang pag-iyak.

Bakit kaya
kapag puso
ang nasugatan at nahapo,
lahat ng himaymay
ng pagkatao
ay pabigat
sa paang nagpipilit
humayo.

Isang gabi,
kay bigat ng bawat hakbang,
pagkat tanikala ay kakabit,
gapos sa katawan,
hila-hila at pasan,
hanggang sa pag-uwi. 

#May032016

Art for Heartaches (Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon