ULAN

2.4K 74 0
                                    

-----

Ilihim
ang bawat
pait ng dalangin -

sa pagtulog.

Iluha
ang bawat

nabigong panata -

sa panaginip.

Limutin
ang bawat
kinitil na damdamin -

sa paggising.

Ilihim ang umaga.
Iluha ang gabi.

Limutin ang araw.

Ngumiti sa ulan. #

Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now