Panginoon ng Pag-ibig

1.5K 48 3
                                    

-----

Ang Panginoon ko'y walang baril,
walang bala,
walang kanyon,
walang bomba,
walang panaksak,
walang tabak,
walang itak,
walang panali,
walang pambigti,
walang pambusal,
walang pansakal,
walang panglason,
walang panadyak,
walang pambigwas,
walang panampal,
walang pandura,
walang panghahamak,
walang panlibak,
walang panukat.

Ang Panginoon ko'y banal
at mapagpatawad;
mapagmahal
at maaruga;
matuwid
at mapayapa;
pinapalo Niya ang Kanyang anak
at ginigising
ngunit hindi Siya
pumipili ng isa upang
isakdal nito ang isa pa,
pahirapan at patayin.

Ang Panginoon ko'y walang dahas
na ipinagkakatiwala
sa kamay ng mga taong iminamaskara
ang pananampalataya
upang maghatid ng dahas at dusa
at pighati at hatol
at kamatayang husga
gamit ang pangalan Niya.

Ang Panginoon ko'y
Panginoon ng Pag-ibig. #



Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now