Makata

1.6K 26 0
                                    

-----

Itago ang iyong katotohanan
sa pila at salansan
ng mga tugma.

Sapagkat ang tao'y
'di na dumirinig (nang matuwid)
ngunit laging nangangatwiran,
'di na nagsasaalang-alang
sa palasak na pagbubuntunan
ng sisi at kamatayan
'di na umaako
sa sariling pananagutan.

Siya'y nagbabata na lamang at nanunugis,
hinulma, binulag, nilamon
ng sugat at pagtitiis,
tinubuan ng patalim ang kanyang panangis,
upang gumanti at makapanakit.

Ngunit
sa hindi niya kaaway.

Kahit
sa hindi niya kalaban. #


Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now