Ang mga Uwak

1.2K 27 2
                                    

-----

Nagbigay ang uwak
ng mga sandata
sapagkat may digmaan
raw na parating;
ngunit sila rin ang babasa
sa pulbura
ng ating mga baril
at puputot sa bala
ng ating mga kanyon.

Nagbigay ang uwak
ng matitibay na bangka
sapagkat may unos
raw sa alon ng dagat;
ngunit sila rin ang bubutas
sa ating mga sahig
at puputol sa sagwan
ng ating pagdaong.

Nagbigay ang uwak
ng mga gusali
sapagkat may paglipol
raw na uulan mula sa langit;
ngunit sila rin ang yayanig
sa lupa nating tinatapakan
at titibag sa pundasyon
ng ating pagsulong.

Naghihintay
ang uwak sa ating mga bangkay
para sa kanilang
masaganang paglamon. #


Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now