Hintay Pa

913 15 1
                                    

***

Isang araw
sasapat ka rin
kahit na kulang
ang kalansing ng barya sayong bulsa

Isang araw
mapapanatag ka rin
kahit na nagmamadali
ang pagbisita ng iyong pangarap

Isang araw
masasagot mo rin
ang lahat ng tanong
na pilit mong iniyakap sa pag-asa

Isang araw
magpapaubaya rin
ang lahat ng iyong lumbay
sa bawat mong piniling ligaya

Isang araw
magmamahal ka rin
nang hindi binabawi
ang kamatayan ng iyong puso

Isang araw
lilipas din
ang lahat ng nagi mong pilat,
luha, hirap at hapo.

Isang araw
sasapit din
ang lahat ng iyong hinihintay,
inaabot,
itinatanong,
ipinagpapaubaya,
ipinagmamahal,
ipinagtitiis,
ipinagpapagal.

Hindi pa lang ngayon
pero sigurado...

Isang araw. 

#Mar212016

Art for Heartaches (Poems)Where stories live. Discover now