Chapter 29-2. Hatid Sundo!

25.6K 327 10
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

WOW. I SMELL DANGER!! Alam ko ng hindi na biro ang naging sagutan ni Darren at Sara. Parang ang bilis ng mga pangyayari… parang kanina nagtatawanan lang kami tapos ngayon may eksena na ganito?? I felt my heart drumming wildly, ayoko kasi sa lahat ee yung nakikitang nagaaway mga kaibigan ko.

Uhm… hindi ko naman ito kasalanan diba?? Pero bakit parang pakiramdam ko, lahat ng daliri ee nakatutok saken?? Parang ako ang may SALA sa pangyayaring ito?? Dahil lang sa ayaw kong magpa-make up?? Ee kung alam ko lang na magpapatayan sila para lang mamake-upan ako ee di sana pumayag na lang ako nuh!! Dios mio…

“Hala,” Bulong ni Meg. “Oh no, this is bad.”

We silently watched as Sara turned her back from Darren, her face was pale at naramdaman kong, nasaktan ang kaibigan ko. She went passed us, dire-diretso si Sara sa pagpasok sa loob ng bahay nila. Jill and Meg quickly went after her.

I looked at Darren as he closed his fists in apparent anger. Nakatayo lang siya dun, his face was contorted to a frown. Alam kong hindi niya sinasadyang sabihin yun…

“What was that?” a voice came behind me. Parang napatalon yung puso ko. I slowly turned around at kahit hindi naman ako lumingon, alam kong si Sef yun. “Mukang hindi na matutuloy photoshoot niyo niyan.”

Mabilis lang na dumapo ang mga mata ko sakanya, lalo na nung nakita kong nakangiti nanaman siya. Bigla din kasing pumasok sa isip ko ang muka ni Noel at ni Ms. Elena and I felt my blood slowly creeping up my cheeks. God, was I blushing??

LECHUGAS KA ELLIE!! MAGTINO KA NGA!! REMEMBER, KAGABI?? WAG MONG HAYAANG MANALO SIYA!! ITIGIL MO YAN!! TIGIL!!

Lumingon agad ako sa direksyon ni Darren. “Ewan ko nga ee.” Napakamot ako sa ulo. “Tae talaga, dapat pala nag pa make-up na lang ako para hindi na sila nagaway.”

Napa ngisi si Sef at napatingin tuloy ako sa kanya. “You think yun ang dahilan kung bakit sila nagaway?”

This time I was really looking at him, pero nakakunot ang noo ko. “Huh? Ee meron pa bang ibang dahilan?”

Sef shrugged. “I dunno. Ikaw kaibigan nila, you tell me.”

Hindi ko namalayan, I was just completely and absolutely LOOKING at Sef. Napansin niya and he gave me another of his sexy smile sabay kindat saken. “Kaka in love nuh?” And to top it all off he placed a hand on his chin, obvious na nagpapa cute.

Sus. Kung alam lang niya… hindi na niya kelangan magpa-cute!! Imbes na barahin ko siya with another of my insults, which I would normally do. I just stared at him, my face expressionless. Bigla kong naalala yung kwento ni Ms. Elena tungkol kay Sef that I couldn’t help but smile at him. And my smile soon turned to a soft laughter. “Sige na nga. Oo na lang ako kanwari. Haha.” But that smile soon disappeared kasi naman diba?? BIGLA BA NAMAN NIYANG NILAPIT MUKA NIYA SAKEN!!! NAKSHUTA!!!

“May sakit ka ba?” He then asked, titig na titig siya saken, parang ineexamine niya talga buong muka ko. “You just actually smiled at me.”

Nanlaki mata ko at napalunok ulit ako. My heart was drumming wildly. Ellie ano ka ba? Mahiya ka nga nakita mong nagaaway na nga mga kaibigan mo nakuha mo pang lumandi jan!! Oo nga, tama siya… para kang may sakit… oo sakit sa puso!! Umayos ka nga!! NAKAKAINIS!!

I then glared at Sef. “Ayaw mo? Sorry naman!! Hindi ko alam kasalanan na pala ang ngumiti ngayon!!” I pushed him off. Kainis. Kainis talaga. At ano bang nangyayari saken?? BAKIT KO NGA NAMAN NAKUHANG NGUMITI SAKANYA?? PAKSYET NA BUHAY TOH OH!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon