Chapter 42

143K 2.5K 483
                                    

Chapter 42

SYDNEY'S POV

The first thing I saw when I opened my eyes was the white ceiling. And I don't understand why I feel heavy and tired. Iginala ko ang paningin ko and I suddenly realized where I was. Unti unting bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari. Hinawakan ko agad ang tiyan ko. 'Baby, you are still there right? Please be fine. Please.' I thought desperately.

"Babe?" A voice beside me said. Andrei must have noticed that I'm already awake. He immediately held my hand. "Are you okay? May masakit ba sa'yo?" He asked worriedly.

"A-Andrei." Umiiyak kong sabi sa kanya. "Babe, I'm sorry. I am so sorry." I do not know how to face him. Sobrang nahihiya ako sa nangyari. Alam ko kasalanan ko kung bakit nandito kami ngayon. Kung sana hinayaan ko na lang sila. Dapat hindi ko na lang talaga sila binigyan ng pansin.

Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo. "Shhhhh." Pagpapatahan niya sa akin. "Babe, calm down. Hindi mo kailangan humingi ng sorry. Hindi mo ginusto ang nangyari." He smiled at me genuinely.

Mas lalo akong nakaramdam ng guilt. Paano niya nagagawang maging mabait sa akin. Mas gugustuhin ko pang sumabatan at sisihin niya ako.

"How is he?" I asked pertaining to our baby. Hinaplos ko kaagad ang anak namin. "Please tell me walang nangyaring masama. Okay si Baby natin di ba?" Muling tumulo ang mga luha ko. I can't bear the thought of losing my child. And I'd do anything para lang huwag mangyari yun.

"Sydney, I need you to calm down. Breathe deeply." He said. But I knew better. Alam kong hindi ako mapapanatag hanggang hindi ko nalalaman ang lagay ng baby namin.

"He's fine." he added. Nung una, hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero unti unting nagsisink in sa akin ang balita niya. "Miraculously, hindi siya nawala sa atin. Buti na lang daw at nadala ka sa ospital ng maaga."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa kamay ko. At kahit ako ay hindi ko mapigilang mas lalong maiyak. I know that we are both in tears because of too much happiness. We are both very grateful na hindi siya kinuha sa amin.

"You know what, nabasa ko sa isang article na kapag iyakin si Mommy habang buntis, papangit daw si Baby." He suddenly said, trying to cheer me up. Pinunasan niya ang mga luha niya before doing the same thing to me. "So I suggest, you stop crying. It would be a shame if he would not look like me."

Hindi ko na napigilang mapangiti. And I knew my smile was a true one. God knows how happy I am to know my angel is safe.

Huminga ako ng malalim. I can finally relax now. I promise I will never put my baby's life in danger again.

"Baby, sorry naging pabaya si Mommy. I promise hindi na mauulit. And thank you for holding on to me. Thank you dahil hindi ka bumitaw. I love you." I said while wrapping my arms protectively around my tummy. Hinawakan ni Andrei ang isang kamay na nakapatong sa tiyan ko.

"Mahal na mahal ka rin ni Daddy baby. I promise na mas aalagaan ko kayo ng Mommy mo. So bear with me kung mas magiging mahigpit ako sa inyong dalawa ni Mommy."

I really love it when he talks to our baby. Nakakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan kapag nakikita kong ginagawa niya yun. I'm sure he'll be a very responsible father. Someone our children would look up to.

"By the way, you've been unconscious for a while so I need you to eat. Nagpadala ako ng pagkain kay Manang Maria kanina, kainin mo."

Inalalayan niya akong umupo sa kama before preparing the food I'll eat. Inasikaso niya lahat ng kailangan ko, kulang na lang ay siya mismo ang magsubo sa akin ng pagkain. He did offer to feed me, baka daw hindi ko pa kayang kumilos. I really love how overacting he gets.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon