chapter 13

301K 2.5K 190
                                    

Chapter 13

SYDNEY'S POV

Nakakainis! Asar na asar talaga ako!

"Hoy, sorry na. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala kaimportante na kumain ka ng breakfast. Hindi ka naman kumakain sa umaga diba?"

Hindi ko siya pinansin.

Magkakasama kami ni Tricia at Kayla na naglalakad sa hallway papunta sa room namin. 

 Sinundo kasi nila ako sa bahay.

Nagulat na lang ako ng bigla silang pumasok sa bahay. 

Magsisimula pa lang sana ako kumain nung dumating sila at akmang isusubo ko na yung toast bread with ham and bacon na niluto ni Andrei para sakin ng biglang inagaw ni Kayla.

I repeat. Toast bread with ham and bacon na NILUTO NI ANDREI PARA SAKIN! 

HINDI PARA KAY KAYLA!

Tapos si Tricia nakikain din!

Hindi man lang ako nakatikim nung pagkain KO!

Panu ba naman, pinaghatian agad nung dalawa ang breakfast ko!

Tss.

Kaya yan, umagang umaga, mainit agad ang ulo ko.

Nakarating kami sa room ng hindi ko pa rin sila pinapansin.

Kinukulit nila ako ng kinukulit.

Argh!

"Sydney naman e, kung gusto mo, ililibre kita ng breakfast. Tara sa cafeteria. Kahit anung gusto mo bibilhin namin ni Tricia. Sorry na kasi!" sabi ni Kayla

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon