chapter 16

301K 2.8K 730
                                    

chapter 16

SYDNEY'S POV

Parang bata si Andrei.

Lahat na lang ng magustuhan niya ituturo niya.

Tapos itatanong sakin kung gusto ko ba yung tinuro niya. Siya naman ang magbabayad, tatanungin pa ko.

Pero seriously, nakakatuwa siyang tingnan.

Pero ang mas nakakatuwa, magkaholding hands kami.

Hindi niya binibitawan yung kamay ko kahit na may kinukuha siya.

"Drei, bakit bibili ka ng paper plates? Saan natin kakailanganin yan?" I asked

Nagulat kasi ako na kumukuha siya ng ganun, e puro pagkain naman yung kinukuha namin kanina.

"This is actually for you. Para hindi mo na itapon yung mga plates natin sa bahay. Baka kasi maubos na yung mga yun." sabi niya

"Hehe. Sorry."

"No need to be sorry. Pinggan lang naman yun. Kuha na rin tayo ng plastic spoon and fork." sabi niya

After that, sa fruit and vegetable section naman kami pumunta.

"Drei, ayoko dito. Dun na lang tayo sa section nung mga crackers. Gusto kong piattos, nova and chippy!" I said excitedly

Yung malalaking size ang kukunin ko. Iingitin ko sina Kayla kapag pumunta sila sa bahay.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon