Chapter 35

166K 2.2K 243
                                    

Chapter 35

SYDNEY'S POV

Maaga akong nagising kinaumagahan. Wala na si Andrei sa tabi ko.

KInapa ko ang necklace na binigay niya sakin kagabi at nung naramdaman ko ang infinity sign sa mga palad ko ay napangiti na lang ako sa sarili ko.

I am so happy. Kahit kinakabahan ako ay hindi ko maipagkakaila na masaya ako.

"To infinity and beyond"

His words keeps echoing on my mind. Parang may recorder sa utak ko na kusang nagpplay ng paulit ulit.

Nung nakuntento na ko sa kakaisip sa mga binitiwang salita ni Andrei, tumayo na ko at tinungo ang pinto palabas ng kwarto.

Nakita ko agad siya na nagluluto sa kusina.

"Goodmorning Babe." he said nung nakita niya ako.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. I can feel his warmth. Sobrang comfortable sa pakiramdam.

"I love you." I told him

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sa kanya at kinalas iyon para humarap sa akin.

"I love you too. So much." he said and kissed my forehead before letting me go. "Let's eat then umuwi na tayo. Kanina pa ako kinukulit ng mga kaibigan mo kung kailan daw kita iuuwi."

"Paano nila nalaman na magkasama na tayo?"

"My mom probably told them. Alam mo naman si Mommy, she gets super excited over things."

Napatawa na lang ako. Naiisip ko sina Kayla na nangungulit. Hindi pa man din nila ugali na tumigil kahit galit na ang kinukulit nila. Idagdag pa si Mommy Anne.

"I miss them. Medyo naeexcite tuloy akong makita sila." I said smilingly.

"They miss you too. I wanted to surprise them pero kinailangan kong sabihin na ngayon tayo uuwi para lang matigil sila." Kahit na halatang nakulitan si Andrei kina Kayla at Tricia ay halatang hindi naman siya nairita sa mga ito. Medyo natatawa tawa rin nga ito.

Kumain na kami at nag-ayos pagkatapos.

Nilagay na rin ni Andrei ang lahat ng gamit ko sa sasakyan.

Pareho na kami ngayong nakatayo sa labas ng apartment ko.

Bukas pa ang pinto. Gusto ko kasing tingnan muna ulit ang naging tahanan ko for three months bago tuluyang umalis. Hindi tulad dati, wala ng mga librong nakakalat. Wala na ring mga damit kung saan saan. The apartment looks like the way I saw it for the first time, nung titira pa lang ako dito. Pero kung noon ay dumating ako na umiiyak at nasasaktan, ngayon ay aalis ako na masaya kasama ang taong mahal ko.

I gave it one final glance before finally closing the door. I'll definitely miss this place. Kahit maliit lang ang apartment na ito compared to our house, marami naman akong natutunan on my stay here.

"Let's go." Andrei said to me and we both turned around and headed for his car.

He opened the passenger seat for me before turning around to the driver's seat.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito bago paandarin ang sasakyan.

"I'm always here for you okay?" he said to me.

Tumango ako sa kanya. There's no turning back now. And I don't want to turn back. Sobra sobrang assurance ang meron ako galing sa kanya.

Buong biyahe ay nag-usap lang kami about random stuffs. Pero dahil medyo mahaba rin ang biyahe ay nakatulog ako. Ginising niya lang ako nung nagstop over kami para bumili ng pagkain. Tanghali na rin kasi. I bet two hours pa bago kami makarating.

"Saan mo gustong kumain? There's a restaurant nearby." He said.

"Magfast-food na lang tayo. Drive thru would be fine actually." I told him

"Okay"

He ordered for something madaling kainin since he'll be driving while I ordered a heavy meal. Medyo nagugutom na rin kasi ako.

Nauna siyang natapos sa pagkain. Mas konti rin kasi ang order niya compared to mine.

"Do you want some?" I offered him. Feeling ko kasi hindi siya nabusig sa kinain niya.

"I'm fine Babe. Just eat your food."

Pero dahil sadyang makulit ako, lumapit ako sa kanya para subuan siya.

"Say ahh."

"Babe, okay lang ako. If I know, kulang pa sa'yo yang pagkain mo." he said playfully.

"That's not true!" I denied. "Besides, I simply want to feed you."

He smiled at me before opening his mouth.

I actually ordered more food because I wanted to share it with him. Gusto ko rin kasing pagsilbihan siya kahit papaano. Feeling ko kasi prinsesa ang turing niya sa akin.

After eating, I looked outside the window. Pinagmasdan ko ang mga dinaraanan naming lugar hanggang sa makatulog ulit ako.

Nagising na lang ako na pinapasok na ni Andrei ang sasakyan sa garage ng bahay namin.

Sa totoo lang, hindi ako nakaramdam ng takot at kaba tulad ng inaasahan ko. Mas nangibabaw ang kasiyahan ko na nakabalik na ako.

"We're home." Andrei said before turning off the engine.

"Yeah. We're finally home"

A/N

Hi. First of all, sorry kasi sobrang tagal kong nawala. I have no excuse for that.

Second, thank you sa patuloy na nagbabasa nito. sa mga loyal followers, super thank you.

Third, I got an offer na ipublish ang You are My Home. Kaya umasa kayong matatapos ang story na ito. Sana suportahan niyo yung book kapag napublish na.

Thank you :)

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon