Author's Note

81.6K 1.3K 172
                                    

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga naging readers ng You are My Home. Sa lahat ng nagalit dahil sa sobrang bagal ng updates, pasensiya na po. Sa mga tumigil na sa pagbabasa ng story ko dahil halos isang taon akong nawala, sana basahin niyo ulit ang story lalo na kapag napublish na siya.

Sa mga umaasa sa special chapters at book 2, pasensiya na po pero wala na pong kasunod ang epilogue. Para po kasi sa akin, perfect na ang ending na ginawa ko. Alam ko na marami ang nabitin dahil parang ang bilis ng mga nangyari pero simula pa lang po nung una ay yun na talaga ang nasa isip ko.

Tungkol naman po sa libro, naipasa ko na po ang soft copy ng story sa publishing company at hinihintay ko na lang po ang sunod nilang ipapagawa kaya baka idelete ko na rin itong story dito sa wattpad kaya po hanggat pwede pa ay balik balikan na natin sina Sydney at Andrei. Sa totoo lang po ay marami ang nabago sa You are My Home, lalo na sa mga unang chapters pero ganun pa rin naman po ang takbo ng story. Ako po mismo ang nagedit ng story at baka wala naman silang ginawang pagbabago. Sana talaga ay suportahan niyo ang book. Iuupdate ko na lang po kayo tungkol sa pagpupublish ng You are My Home.

Yun lang po. Maraming salamat po ulit.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon