chapter 5

338K 3.6K 561
                                    

Chapter 5

SYDNEY'S POV

Habang naglalakad, hinwakan ni Andrei ang mga kamay ko.

Tatanggalin ko sana yung pagkahawak niya sa kamay ko kaso naalala ko, nagdadate nga pala kami. 

May nagdadate bang hindi magkaholding hands?

Tsaka mag-asawa naman kami kaya ayos lang.

Tsaka gusto ko din naman magkahawak kamay namin e, ewan ko kung bakit pero parang simula kagabi, gusto ko lagi kaming magkaholding hands.

"Andrei, anung nakain mo at may nalalaman ka pang padate date ha?" tanong ko sa kanya.

Ang boring kasi hindi naman siya nagsasalita.

"Bakit? Masama magdate ang mag-asawa?" 

 "Hindi naman natin to ginagawa dati ah."

"Aish. Dami mong tanong. Basta magdadate tayo."

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating na kami sa Shakeys.

Sa halip na magkatapat kami, magkatabi kami sa upuan.

Pagkaabot nung menu, tinanong na ako ni Andrei kung anung gusto kong kainin.

"Hoy, baka iwan mo ko dito pag nakain ko na yung inorder ko ha. Wala akong pambayad." sabi ko. 

Malay mo jinojoketime lang pala ako ng lalaking to.

Wala akong perang pambayad nito, mas lalo namang ayaw ko maghugas ng pinggan. 

Tinatapon ko nga yung pinggan na pinagkainan ko sa bahay para lang hindi makapaghugas tapos paghuhugasin ako dito ng sandamakmak.

"Hindi nga. Kakain tayo tapos ako magbabayad." sabi ni Andrei.

"Promise yan ah." sabi ko. Syempre, kelangan kong manigurado.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon