Chapter 39

147K 2.1K 282
                                    

Chapter 39

SYDNEY' S POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone na nagriring. Without opening my eyes, kinapa ko ang bedside table searching for the ringing phone. But before I could even find it ay namatay na ang tawag.

I opened my eyes and immediately closed them when the sunlight coming from the window greeted me. I'm guessing it's late already and Andrei is probably in his office by now. Pero naramdaman ko ang brasong nakapulupot sa akin. Memories of last night replayed on my mind.

Binuksan ko ulit ang mga mata ko at tiningnan ang braso niyang nakayakap sa akin. Gusto ko sanang mukha niya ang una kong makita pagkagising pero nakatalikod ako sa kanya. Meanwhile, yung isang braso niya ay nasa may ulunan ko and it served as my pillow.

Napangiti ako sa sarili ko. I have given it up. Binigay ko na ang sarili ko sa kanya ng buong buo. And I don't regret it. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa namin. I love him, that is all that matters.

Umikot ako ng kama para makaharap siya while avoiding waking him up. His sleeping face is really the best to wake up to and I'll never get tired of it. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at niyakap rin siya. I buried my head on his chest. Five minutes rin sigurong ganun ang position namin.

Humiwalay ako sa kanya and traced his bare shoulders and draw circles on his chest. Ngayon ko lang makikita ng malapitan ang katawan niya. And I must say, he really is in good shape. Medyo malaki ang katawan niya and compared to mine, I would easily be crushed by him.

The thought of being crushed by him made me blush. At kasabay ng pagblush ko ay ang pagsakit ng babang bahagi ng katawan ko. I looked at myself down there and realized I wasn't naked. I am wearing the long sleeved polo Andrei wore yesterday. But beneath the polo, I wear nothing anymore. Naaamoy ko ang manly scent ni Andrei sa polo niya and I liked how his smell makes me feel comfortable. He must have put the polo on me para hindi ako lamigin.

Tiningnan ko ang mukha niya and stared at it, memorizing every detail. I traced his face from his eyes down to his lips. Not able to control the temptation coming from his lips, hinalikan ko siya ng mabilis, as if I was some teenager afraid of getting caught.

Nagring muli ang phone. Before I could even look for the phone ay nakita kong gumalaw si Andrei. And after realizing he is waking up, hindi ko alam kung bakit pinikit ko ang mga mata ko and pretended I was asleep.

Naramdaman ko ang paggalaw niya para sana kunin ang phone but my head was resting on his one arm kaya hindi agad siya nakatayo. Inalis niya ng dahan dahan ang ulo ko bago bumangon.

Sinilip ko siya and saw him sitting on our bed and picking up the slack he wore yesterday on the floor and retrieving his phone from its pocket. Phone niya rin pala ang tumunog kanina.

"Cancel all my meetings today. I'm taking a day off."

That was all he said before ending the call. I'm guessing that was his secretary.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko when I realized na titingin na siya sa direksiyon ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagtutulog tulugan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at napakunot ang noo ko ng wala sa oras and I'm sure as hell Andrei saw it.

Naramdaman ko ang paghiga niya ulit sa kama at ang pagyakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo.

"Open those eyes sleepyhead. I know you are awake." He whispered lovingly on my ears.

I swear gusto ko na lang kainin ako ng lupa ngayon. How embarrassing could this be?

Unti unti akong nagmulat ng mga mata. I saw him looking at me amusely.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon