chapter 10

305K 2.4K 211
                                    

Chapter 10

SYDNEY'S POV

Halos midnight na nung umuwi ako ng bahay.

Sina Kayla kasi kung san san ako dinala.

Gumala lang kami ng gumala hanggang sa maggabi na at nagpunta kami sa bar para gumimik.

Ang saya saya ng araw na to.

Typical day para sa isang Sydney Angeles. 

Sydney Angeles, hindi Sydney Sanchez.

Kasi nga, I'm back to my old self.

And I'm happy that I'm back.

Nakalimutan ko na lahat ng problema ko. Si Andrei at si Michell, ni hindi ko na nga sila naalala.

Tawa ako ng tawa habang hinahatid nina Kayla sa bahay.

Yung dalawang bruha, medyo lasing na kaya pasalamat na lang at nakauwi ako ng safe. 

Si Kayla pa man din ang nagdrive, buti na lang hindi kami natuloy sa byaheng langit.

Nung bumaba ako ng sasakyan, tsaka lang ako nakaramdam ng hilo.

Masyado yatang naparami ang inom ko. 

Pagpasok ko sa bahay, nakita ko agad si Andrei na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Hey, bakit ngayon ka lang?" sabi niya sabay tayo at lakad palapit sa kin.

"Bakit may curfew na ba ko ngayon?" medyo sarkastiko kong reply sa kanya

Kumunot tuloy yung noo niya. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang inaasal ko.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon