Chapter 33

174K 1.9K 136
                                    

Chapter 33


SYDNEY'S POV



"Babe, labas tayo. Nabobore na ko dito. Ipapasyal kita sa Baguio." I said to Andrei nung wala na kaming magawa.



"Okay ka na ba? Wala ka ng lagnat?" Lumapit siya sakin para icheck ang temperature ko. Napapikit ako ng ilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Ang init ng kamay niya kahit malamig ang klima.



"Okay na ko. Sige na. Gusto ko lumabas." I said pleadingly.



"Are you really sure you're okay now? Wala ka ng lagnat pero baka mabinat ka."



"I'm okay now. Promise. Tsaka may pasok na ko bukas kaya Gusto kong sulitin ang araw na to. Please?"



"Fine." He said while hugging me and kissing the top of my head. "Magsuot ka ng jacket ha. Gabi na, sobrang lamig na sa labas."



"Okay. Wait for me. Magpapalit lang ako ng damit."



Kumalas ako sa pagkakayakap niya at nagtatakbo papuntang kwarto.



Excited akong nagbihis dahil matagal ko nang gustong mamasyal kasama si Andrei. Gusto kong libutin ang Baguio kasama siya.



Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang hawak ang cellphone niya at nagtetext.



Nung nakita niya ko ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.



"Tara na?" he said while wrapping his arm around my shoulder.



"Okay."



Pumunta kami sa sasakyan niya at pinasakay ako sa front seat. Ikinabit niya rin ang seatbelt ko.



Umikot siya para sumakay na sa sasakyan pero parang may nagtext sa kanya dahil tumigil siya sa paglalakad at kinuha ulit ang cellpone para basahin ang message na natanggap niya.



Nakita kong medyo napatawa siya sa binasa.


Nagtype siya sa cellphone niya bago tuluyang ibalik ito sa bulsa at maglakad na papasok sa sasakyan.



"Saan mo gustong pumunta?" he asked me while smiling.



"Ahmm. Magdrive ka lang. Kahit saan tayo mapunta." I said



Kung kanina ay madami akong gustong puntahan, ngayon ang gusto ko na lang gawin ay malaman kung sino ang katext niya.



"Okay. Kung yan ang gusto ng reyna ko!" he said and started the car's engine.




Hindi ko magawang kiligin sa sinabi niya dahil balisa ang pakiramdam ko.



Hindi pa man kami nakakalayo ay hindi ko na napigilan na magtanong.



"Babe, sinong nagtext sa'yo kanina?" I asked shyly.



"Si mommy. Tinatanong kung nasaan na ako. Pinapagalitan ako dahil ang bagal ko daw maghanap sa'yo."



Medyo naging relieved ako sa sinabi niya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero kakaayos lang namin, ayoko munang may iba siyang iniintindi maliban sakin. I may sound selfish but I want his whole attention.



Pero si Mommy Anne lang naman pala ang nagtext kaya pwede na kong huminga ng maayos.



"Hindi mo pa ba sinasabi na nagkita na tayo?" I asked



"Hindi pa. Besides baka sumunod sila dito pag sinabi kong magkasama na tayo. Gusto ko munang masolo ka."



Biglang nagring ang phone niya. nilabas niya ang cellphone niya from his pocket and looked at the caller.



"Si Mommy ang kulit talaga." he said. Kahit ganun ang sinabi niya, hindi mo maipagkakailang natatawa siya.



"Why don't you answer it Sydney, tutal ikaw naman ang gusto niyang kamustahin at hindi ako?" He said to me while handing me his phone.



Inabot ko ang cellphone niya at kinakabahang inaccept ang tawag.



"Hello Andrei! Papaluin na talaga kita sa pwet kapag hindi mo pa rin naibabalik si Sydney dito in three days! I miss her so much. Gusto mo bang itakwil na kita ha?" Tuloy tuloy na sabi ni Mommy Anne na halos hindi na ako makasingit.



"Ahhh, Mommy, si..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako.



"Hello, sino ka? Where is my son? Why are you with him? Malilintikan talaga sakin yang Andrei na yan."



Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinasabi ni Mommy. Napagkamalan pa yatang nambababae ang anak niya.



Hay nako Mommy, sakin pa lang malilintikan na siya kung may babae man siya.



"Babe, what are you smiling at? Anong sinasabi sa'yo ni Mommy?" tanong ni Andrei nung napansing natatawa ako.



"Tinawag ka pang Babe? Si Sydney lang ang dapat niyang tawaging ganun." Mommy Anne said. I can hear frustration from her voice. Parang galit na galit siya kaya nagsalita na ako.




"Mommy, it's me. Si Sydney po ito."



Natahimik sa kabilang linya. Akala ko naputol na ang tawag pero bigla siyang nagsalita ulit.



"Anak, is that really you? Oh my god, I miss you so much. I promise kapag nakabalik ka dito, ipagshoshopping kita." she said. I can hear her sobs.



"Mommy, I'm sorry. I'm really sorry."



"Bakit ka nagsosorry? Si Andrei ang may kasalanan, siya dapat magsorry." Mommy Anne said childishly.



Napatawa na lang ulit ako.



"Okay na po yun. Gusto niyo po bang kausapin si Andrei?" I asked her



"No. Okay na ko na nakausap ka. Basta hihintayin na lang kitang bumalik tapos saka tayo magkukwentuhan, alright?"



"Sige po."



"Okay. Bye for now. Your Daddy Greg just got home. I'll tell him the good news." she said before ending the call.



Ibinalik ko kay Andrei ang phone niya?



"What did my Mom said?" he asked



"Nothing much. She just said she really misses me."



Tumigil ang sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa isang park kami. Lumabas siya at umikot sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.



"Thank you." sabi ko habang lumalabas ng sasakyan.



Nagpunta kami sa may harap ng fountain at umupo sa isa sa mga benches dun.




"Yun lang ang sinabi ni Mommy sa'yo?" he asked again.




"Ahmmm, she said ipagshoshopping niya ko pagbalik kong Manila."



"Babalik ka bang Manila kasama ko?" he asked



Naramdaman ko ang seriosness ng pag-uusap namin.




Sa totoo lang, gusto ko sa Baguio. Free akong gawin ang gusto ko. Free akong piliin ang career na gusto ko. Hindi ko masyadong inaalala ang sasabihin ng iba.



Pero alam ko namang hindi ko pwedeng takasan na lang ang buhay ko sa Manila. Andrei belongs in the city. And I belong to him. Gusto ko kung nasaan siya, nandoon ako. at hindi kami pwedeng sa Baguio lang habang buhay.



"Babe, will you get mad if I tell you something you don't wanna hear?" I asked him.



I can see the confusion on his face.



"I want you to be honest with me Babe. Huwag mong isipin kung magagalit ba ako o hindi. Just tell me what you feel and I'll try to understand you. I will always understand you." he said



"Ahhh, kasi sa totoo lang, gusto ko dito sa Baguio. Feeling ko free akong gawin ang kahit anong gusto ko. I can even study the course I really want. Kapag kasi nalaman ni Mommy at Daddy na hindi na Business Management ang kinukuha ko, magagalit na naman sila."




I looked at him at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.



Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.


"You know, papayagan pa rin naman kitang gawin ang gusto mo kapag bumalik ka sa Manila. And if you're worried about your parents, ako na ang bahala. I'll be your back-up." he said while putting his arm around me. "I promise, everything will be alright."

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon