chapter 2

396K 3.5K 465
                                    

Chapter 2

SYDNEY'S POV

Hapon na nung nagising ako.

Ang sakit ng ulo ko.

Gutom na rin ako.

Pumunta ako sa kusina para kumain.

Ang kaso, wala namang lutong pagkain.

Kailangan ko pang magluto.

Tinatamad ako pero no choice naman, ayaw ko namang magpadeliver.

Sawang sawa na ako sa mga take out na pagkain.

Tiningnan ko ang ref namin kung anung pwedeng maluto tapos nakakita ako ng hotdog at itlog.

Sakto. Prito lang din naman ang kaya kong lutuin e.

Nagluto na rin ako ng kanin sa rice cooker.

Nung natapos kong iprito ang itlog, sinunod kong lutuin yung hotdog.

Nagtitilamsikan yung mantika.

"Aray naman. Ah. Aray" sigaw ko kasi tinatamaan ako nung mantika.

Nagulat na lang ako nung biglang nag-apoy yung kawali at sa pagkagulat ko, bigla kong nahawakan yung kawali na dahilan para mapaso ako.

Buti na lang hindi natapon yung hotdog.

Pero Leche, ang sakit naman nang kamay ko!

Pagkatapos ng maraming oras, sa wakas, nakakain na rin ako.

Yung napaso kong kamay, binuhusan ko lang ng malamig na tubig para mawala yung sakit.

Hindi ko kasi alam ang gagawin e.

Pero effective naman kasi hindi na siya masakit ngayon kaso nagkasugat nga lang.

Hayaan na nga lang.

At dahil may sugat ang kamay ko, ang hirap maghugas ng pinggan.

Kaya ang ginawa ko, tinapon ko na lang yung pinggan at kutsara na ginamit ko.

Haha.

Hindi naman mapapansin ni Andrei na kulang yung pinggan namin tsaka hindi naman yun kumakain sa bahay e.

Pagkatapos kong kumain, nanood na lang ako ng tv.

Walang magawa e.

Actually, may mga assignments akong dapat gawin kaso hindi ko rin naman masasagutan yun e kaya mangongopya na lang ako bukas.

Biglang nagring ang phone ko.

Sinagot ko ang tawag.

"Hey bitch!" sabi nung kabilang linya.

"Why?" sabi ko sa kanya

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon