chapter 6

334K 3.9K 735
                                    

Chapter 6

SYDNEY'S POV

"Drei, busog na ako. Sa'yo na lang yan." 

Inilalagay niya pa kasi yung last slice nung pizza sa pinggan ko.

Kaso, hindi ko na talaga kayang kainin pa yun.

"Syd, ikaw na kumain niyan. Halos ako na nga ang umubos ng mga pagkaing to e. Ang dami mo kasing gustong kainin kanina, hindi mo naman pala kayang ubusin."

"Ayoko na talaga. Busog na busog na ko. Ikaw na kumain niyan." sabi ko sabay kuha nung pizza at sinusubo ko sa kanya.

Wala na rin siyang nagawa at kinain na lang niya yung sinusubo ko sa kanya.

Nakakatuwa yung itsura niya habang kinakain yung pizza.

Halata na pinipilit niya lang ubusin.

"Ayoko na. Hindi ko na kayang ubusin." sabi niya tapos kinuha niya yung pizzang sinusubo ko sa kanya at inalagay sa plate niya.

Tapos kumuha siya ng tissue at pinunasan yung kamay ko.

Napangiti naman ako sa ginawa niya kasi inuna pa niyang punasan yung kamay ko kesa sa labi niya.

May dumi pa man din siya sa gilid ng lips niya. 

Kaya kumuha rin ako ng tissue para punasahan yung dumi sa mukha niya.

Nagulat pa yata siya sa ginawa ko kasi tumingin siya sa kin.

Tapos nginitian niya ko.

Tinawag na niya yung waiter at kinuha ang bill.

Pagkalagay niya ng bayad, tumayo na siya.

'Huy, hindi mo kukunin yung sukli mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Halika na."

Hinawakan na niya yung kamay ko at hinila na ko palabas ng Shakeys.

"Saan tayo sunod?" tanong niya sa kin.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon