Chapter 3

3.7K 79 2
                                    

Chapter 3

“Brian, wait!” utas ko kay brian ng sunduin nya ako sa bahay na tinutuluyan ko. Were off to tagaytay. Wala akong pakialam kung pinagsisiksikan ko man ang sarili ko sa kanila, ang concern ko ngaun ay si brian, Sya ang gusto kong makasama ngaun.

Pumasok sya sa kotse nya ng hindi manlang ako pinagbubuksan ng pinto. Sumimangot ako pagkatapos ay pumasok nadin sa loob.

Panay ang buntong-hininga ko habang nasa loob kami ng kotse nya, Wala syang imik habang nagdridrive, gusto kong mag-open ng topic pero hindi ko magawa dahil sa tuwing sinusubukan ko ay pinuputol na nya agad ang anumang sasabihin ko.

Nakarating na kami sa meeting place. Agad kong nadinig ang pagpaparinig sakin ni Julie at alex pero inirapan ko lang sila.

Kinalabit ko si Brian ng makitang nakatitig sya kay Chris.

“Brian. Sayo ako sasabay.” Utas ko.

Umirap lang sya pagkatapos ay pumasok na sa kotse nya. Nakita kong paanu nya sundan ng tingin si Chris na papasok sa kotse ni Lance. Pumitik ang dibdib ko, Kahit ngaun lang.

“Hindi ba pwedeng kahit ngaun lang, Sakin muna yang mga tingin mo ha? Brian?” utas ko sa kanya.

Inirapan nya ako. “Anu bang inaarte-arte mo dyan?” Utas nya.

Yumuko ako pagkatapos nagkagat-labi.

Nagsimula nyang paandarin ang sasakyan, talagang napapakapit ako sa upuan ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya.

“Brian! Be careful!” utas ko.

Hindi sya sumagot. Sinulyapan ko sya. Nakita ko ang galit sa mata nya habang pilit na inuunahan ang sasakyan ni Lance.

“Brian anu ba! Natatakot ako.” Utas ko.

Sa biaje, napansin ko ang panay na tingin ni Lance sa may side mirror, mukha syang iritable.

Nakita kong binagalan ni Lance ang pagpapatakbo kaya naunahan sya ni Brian.

“Damn!” malutong na mura nya.

Ilang oras ng biaje ay nasa tagaytay na kami, agad na lumabas si Brian nang kotse kaya lumabas na din ako at humawak pa sa braso nya kahit na pilit nyang tinatanggal ang kamay ko.

“Bulok na ang sasakyan mo, mabagal kana pala mag-drive ngaun, mukhang wala ka ng binatbat sakin sa car racing.” Panghahamon nya kay lance. Tumingin sakin si lance kaya tinaasan ko sya ng kilay.

“bakit naman ako makikipagunahan sayo?” kinuha nya ang kamay ni chris pagkatapos ay pinagsalop iyon sa kanya. Ramdam na ramdam ko talaga kung paanu nagreact ang systema ni Brian sa ginawa nya.

“Isa pa, nasa loob ng sasakyan ko ang babaeng mahal ko. kaya kaylangan kong maingat.” Utas ni lance bago sila umalis sa harapan namin.

Napatingin ako kay Brian ng maramdaman ang panginginig ng kamay nya sa galit.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now