Chapter 17 - Can't sleep if I don't

7.7K 61 21
                                    

Dedicated to Ken :)


Chapter 17 - Can't sleep if I don't

(Apol)

 

“Can’t sleep if I don’t.”


Kaya ba siya mahilig uminom? Medyo napailing ako sa sinagot niya sakin kanina. Sabagay may mga nabasa akong ganung tao. Hindi makatulog pag hindi umiinom.

Bakit parang andaming sikreto nitong babaeng to?

Dumating na yung waiter with our food.

Kumain kami ng tahimik. Siguro gutom talaga kami.

Pero pangatlong San Mig Light na ni Alex.

“Nakakailang bote ng beer ka?” Tinanong ko siya.

“Depende. Di naman pare-pareho.” Sagot niya sakin.

“Ano naman sabi ng parents mo? 17 ka lang diba?” Tanong ko sa kanya.

“Di naman nila alam eh.” Sagot niya.

“Wag masyadong madami ngayon ha. Ang hirap mo pa naman magising. Baka ma-late ka na naman bukas. Sige ka, baka dance number bukas ang ipagawa ng prof.” Nakngiti kong sinabi sa kanya.

“Hindi naman 9am bukas  ang class diba? 11am diba?” Tanong niya sakin.

“Ah oo nga pala.” Sabi ko naman.

Pag Tuesdays and Thursdays kasi two subjects lang pero tig-4hrs each. Drawing kasi. Bale 11am to 3pm tapos 3pm-7pm.

Pag MW, mga Academic subjects, 9am-5:00pm pero may isang break in between. Pag Friday naman may additional na PE subject kaya 9am-6:30pm kami.

“Gusto mo ng dessert?” Tanong ni Alex sakin.

“Ok lang. Ikaw ba gusto mo?” Tinanong ko naman siya.

“Hindi ako masyado mahilig sa sweets pero sige oorder din ako.” Sumenyas siya ulit sa waiter ng menu.

Ako ang pinapili niya. Tinuro ko yung mudpie sa waiter.

“Hati nalang tayo Lex. Kasi di naman ako makakarami ng dessert dahil umiinom ng beer.” Sabi ko sa kanya.

“Ok sige.” Sabi niya sakin.

Nag-share kami sa dessert. Mahina siya kumain ng sweets. Pero ang lakas talaga uminom. By now, ika-limang bote na niya ng San Mig Light. Ako ika-tatlo palang

“Tama na inom Lex.” Sabi ko sa kanya.

“Alam mo Apol, kung gusto mong magkasundo tayo, wag mo ko pigilan uminom.” Sabi niya sakin ng seryoso.

“May problema ka ba? Lamo, pwede mo ko kausapin kesa uminom ka. Pwede ka naman mag-open sakin eh” Sabi ko sa kanya ng mahinahon.

“Wala akong problema Apol. Gusto ko lang talaga uminom.” Sabi niya.

Mukha naman totoo yung sinasabi niya. Hinayaan ko nalang.

Ika-anim na bote niya nung tumigil siya.

“Tara na Apol. Uwi na tayo.” Sabi niya sakin.

Binayaran niya yung bill at tumayo. Sumunod lang ako sa kanya. Sumakay kami sa car at umalis.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon