Chapter 20 - Artistic license ang tawag diyan

7.7K 67 20
                                    

Chapter 20 - Artistic license ang tawag diyan

(Apol)

 

Tinignan ko ang drawing ni Alex. Napa-ngiti ako. Actually magaling siya mag-drawing. Very intricate and artistic. Kung fine arts ang kinuha niyang course, the crown is hers. Kaso Architecture to. Yung shadings niya is very artistic. Pero coming from my dad’s firm, I doubt na ganung shading ang papasa. Dapat kasi realistic. Oh well, first draft naman to. Sana makalusot siya. Pero bilib ako sa galing niya. Mas bilib ako sa tapang niyang i-drawing yan sa isang class na halos lahat eh lalake.

Her drawing is Nude.

Naka-hubad na babae na nakaupo sa floor. Naka-pang yoga na seat yung babae sa drawing kaya nako-coveran yung pinaka-private part tapos nakaparang pang-lupang hinirang na position yung isang arm kaya slightly natatakpan yung isang dibdib. Simula mouth lang ang drawing. She did not draw the entire face.

“What’s wrong with my drawing?” Tanong niya to no one in particular.

“Hello? Spell Pervert?” Sagot naman ni Zen.

Namula si Alex.

“I think it’s really good Alex.” Sinabi ko ng seryoso.

Yumuko lang siya at tinuloy ang shadings niya.

After 3hrs, tapos na lahat.

Isa isang pinapunta sa teacher’s table ang students.

Using a pencil, minarkahan niya bawat drawing ng kung ano ang tamang shading.

Nung tinawag na si Cherry, tumayo pa at tumingin si Architect sa akin bago niya sulatan ang drawing ni Cherry.

Pag-upo ni Cherry, nag smile siya.

“I got a 1.5” Proud niyang sinabi sa amin.

“Thanks for being a wonderful subject Apol.” Sabi pa nito sakin.

Naghiyawan sa table namin.

“Shhh.. next!” Sabi ni Architect.

Tumayo si Alex at ibinigay ang drawing niya.

Medyo lumaki yung mata ni Architect.

“Mas dark ang shading dapat dito… mas light naman dito.. dito naman soft strokes lang.. dito dapat ang makapal…” Nakita kong andaming sinusulat ni Architect sa sketch pad ni Alex. Parang maiiyak na si Alex.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon