Chapter 23 - Following her

7.5K 54 11
                                    

Chapter 23 - Following her

(Apol)

 

Naka-tayo si Alex sa tuktok ng hagdan.

San kaya pupunta yun? Nakapang-alis.

Dahan dahan ako lumapit sa likod niya.

“One.. two… thr----“

Hinila ko siya.

“San ka pupunta?” Akala siguro nito nasa baba ako.

“Wala kang pake!” Hinila niya ang braso niya.

“Anong wala? Ibinilin ka sakin ng papa mo.” Totoo naman yun.

“Yun ba ang ibinilin? Hindi porket ganun eh pwede mo na akong halikan!” Wow galit!

“Ang hirap mo kasi patigilin ng pag-sigaw kanina. Ano ba ikinagagalit mo?” Kahit alam ko naman.

 “Hindi ako basta bastang babae lang na pwede mong halikan kung kelan mo gusto!” First kiss siguro ako nito.

“First kiss mo?” Ang sarap talagang asarin nito.

“Ang laki ng nawala sa akin!” Wow ha! Ginahasa ba kita?

“Wow ha. Kala mo naman na-rape ka sa nawala sayo.” DI ko mapigilan ngumisi.

“Ni minsan hindi ko pinangarap na ang first kiss ko eh kung kani-kanino lang! Shempre dapat sa boyfriend ko lang!” Teka, kala ko ba may-boyfriend to

“Teka, ibig mo sabihin, di pa kayo nagki-kiss ni Mickey?” Curious talaga ako.

“M-mickey?” Nauutal?

“Oo diba sabi mo boyfriend mo si Mickey? Ang bagal naman nun. Kiss lang hindi pa magawa. Girlfriend ka naman niya.” Bading ata boyfriend nito eh.

“At pano ka din nagka-boyfriend alex? Eh man-hater ka nga pala?” Oo nga pala man-hater to, pano to nagkaboyfriend?

“Wala kang pakelam Apol!!!” At tumakbo siya palabas.

Tutal naman nakapag bihis ako kanina nung nagkulong siya sa kwarto niya. Napag-isipan kong sundan siya.

San kaya pupunta tong babaeng to?

Siniguro kong may kotse sa gitna naming para hindi niya mahalatang sinusundan ko siya.

Eh totoo namang pinagbilin siya sakin ng papa niya eh. At nag-agree ako. Kaya alam kong may karapatan akong gawin to.

Bakit ko nga ba hinalikan yung babaeng yun?

Ang ingay ingay kasi. Tapos nung humarap ako sa kanya nung sumisigaw siya sa tenga ko, parang ang ganda ng lips nya. Ang red. Tapos ang cute nya pa na parang bata kung mag-sisisigaw.

Well siguro nga mali ako. Mag-aapologize naman talaga ako kanina bago siya umalis eh. Kinakatok ko pa nga yung pinto niya. Kaso galit siguro talaga.

Parang ang layo layo nan g dina-drive ko ah. San ba to pupunta?

Nakita kong huminto yung Chrysler sa isang boarding house.

Nasan na ba ako.

Binasa ko mga nakasulat sa paligid. May mga signs papuntang Ateneo.

Hmm.. Quezon City pala to.

Maya-maya may pumasok na babae sa passenger side ng car ni Alex.

Siguro siya si Mon. Yung bestfriend ni Alex.

Umandar ulit yung car ni Alex. Sumunod parin ako.

Ang layo na naman ng dina-drive ko.

Sige masundan parin.

Nag-park si Alex.

Tinignan ko yung sign ng place.

Metrowalk Ortigas.

Nag-park na din ako sa di kalayuan.

Nakita kong pumasok sila sa Eat My English.

Nakupo! Mukhang inuman nanaman to! Sus!

Pano ba ako makakapasok na hindi nila nakikita?

Sakto naman may isang grupo na papasok.

Pumuwesto ako sa likod nung grupo at sumabay sa pagpasok. Dumire-direcho ako hanggang sa may parang bar sa bandang dulo at tinignan tignan ko kung saan sila nakapwesto.

Nadaanan ko pala sila. Nasa may malapit lang sila sa entrance.

Umupo ako sa may table na pinaka-malapit sa bar.

Madilim naman yung place. Alam kong hindi nila ako makikita.

Kinuha ko muna yung menu at um-order.

Nakita ko yung inorder nila.

Isang beer tower at food. Balak na ata talagang magpakalasing nun. Sus.

Umorder ako ng isa munang bote ng San Mig light at sisig.

Pinagmasdan ko lang sila.

Maya maya, niyakap ni Alex yung kasama niya at parang…

Umiiyak siya.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon