Chapter 33 - Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala

7.3K 74 42
                                    

Dedicated ulit kay @avasexygoddess..

O ayan ha, request granted :)

salamat sa mga comments at votes..

super na-appreciate ko.. :)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 33 - Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala

(Apol)

“Goodnight. Sweet dreams. Sleep tight. Dream of me. I love you so much.”

At kiniss ko siya ulit sa lips.

Ang sweet wine ko.

Grabe nagiging cheesy na ako. Parang antagal na ng panahon mula nung huli akong nagmahal. Pero hinde, iba ngayon. Mahal na mahal na mahal ko talaga ang sweet wine ko.

Pumasok ako sa kwarto ko na nakatulala lang siya sa may pinto niya.

Hahaha! Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ng sobra sobra sweet wine.

Hindi ako papayag na mawala ka sa akin at humanap ng iba.

Dumaan ang mga araw na masaya kami. Kahit pa same routine halos.

Gigisingin ko siya sa umaga. Papasok kami sa school gamit ang kotse niya o kotse ko. Pumayag na kasi siya na ganun ang set-up. Tapos magkatabi kami sa upuan sa lahat ng subjects pwera sa mga drawing classes kasi mas gusto kong natititigan siya sa harap ko pag nagdo-drawing ako. Sobrang nakaka-inspire. Ang ganda ganda kasi ng sweet wine ko. Maglu-lunch kami sabay pag may breaks sa school. Pag uwi, kakain kami sa bahay or lalabas. Mag-uusap muna at maglalambingan bago matulog. Grabe kahit paulit ulit, hinding hindi ako magsasawa. Basta ang kasama ko lang ay ang sweet wine ko.

Naging ok na talaga sa barakada ang relationship namin. Nakikipag-kwentuhan na rin si Alex sa iba. Minsan tinatarayan parin siya nina Yen at Zen pero hindi na ganun kalala.

Sumali ako sa varsity ng basketball. Dito lang siguro nasisisra ang routine namin. Kapag may practice ako o tuwing may laban. Hindi naman ako nahirapan mag-paalam kay Alex dahil siya pa ang nag-push sakin dahil daw saying naman ang talent ko. Ang supportive talaga ng Sweet wine ko.

Ok na din ako sa Math. Sus. Ikaw ba magkaron ng girlfriend na daig pa calculator sa accuracy sa pag-sagot. Unti-unti na rin siyang nasasanay sa type of drawing na required sa drawing classes. Magaling naman siya talaga kasi. Konting technicalities lang naman ang kulang. Napupunuan naman na niya. Shempre magaling kasi ang coach niya sa drawing. Magaling ang boyfriend niya! Hahaha!

Hindi pa naming nasasabi sa parents namin na kami na ni Alex. Ayaw niya pa daw sabihin eh. Sabagay, mahirap din siguro sa part niya kasi hindi niya alam kung paano sasabihin. First boyfriend eh.

Alam na din ni Mon na kami na ni Alex. One time pinuntahan namin si Mon dahil birthday niya at ibinalita ito ng personal sa kanya. Ayaw kasi ni Alex na tawagan lang o itext. Gusto niya personal na sabihin namin kay Mon. Kaya ayun, pag-dating naming sa boarding house ni Mon sa QC, inaya namin kumain sa labas para mag-celebrate.

*Flashback*

 “Ok lang ba kung may isasama ako?” Tanong ni Mon kay Alex.

Nagulat si Alex at nag-isip.

“Ok lang naman. Sinong isasama mo?” Nagtatakang tanong ni Alex.

“Si Patrick. Boyfriend ko.” Namumulang sagot ni Mon.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon