Chapter 15 - Before I let you go

8K 71 20
                                    

Dedicated to Jaymee Marielle :)


Chapter 15 - Before I let you go

(Apol)

 

“I like it better na ikaw ang nakaupo diyan.”

Ano ba yung pinagsusulat ko kanina? Diyahe. Di ko rin alam anon a naman naisipan ko.

Nagda-drive ako pauwi na yun ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Nag-park ako sa garahe. Mga 6pm palang naman.

Andito na si Alex.

Nakita kong naka-park na yung Chrysler 300C niya.

Hindi ko na kasi siya nakausap after class ng mga 5:00pm. Ang bilis niya umalis. Siguro ayaw niyang mahila nanaman ni Cherry na tumambay kasama kami. Ano ba kasing problema bat parang hindi friendly tong si Alex.

Pag-pasok ko sa apartment, nasa may sofa si Alex at nagbabasa.

“First day palang ng class, nagrereview ka na? Wala pa namang lessons kanina ah.” Sabi ko sa kanya.

“Ano naman yung sinulat mo sa papel kanina? Ano namang trip yun? Sinagot ni Alex ng tanong yung tanong ko.

“Wala lang. I just want you to feel at home.” Sabi k okay Alex at tumabi ako sa kanya sa sofa.

“Ok naman ako. Naga-adjust lang ako.” Sabi lang niya at nagbasa lang ulit.

“Bat ba ang sungit mo?” Tanong k okay Alex.

“Hindi ako masungit. Hindi naman ako kagaya mo. First day ng classes, Mr. Congeniality na.” Sabi niya sakin na nakatingin parin sa libro niya.

“Ano ba yang binabasa mo?” Sabi ko at hinila ko yung libro.

“Ano ba!” Hinila niya pabalik sa kanya yung libro.

“Eto naman tinitignan lang eh. Ang sungit sungit mo!” Kinurot ko yung pisngi niya.

“Don’t touch me Monkey boy!” Sigaw ni Alex na nakatingin sakin na masama.

“Alam mo grabe ka. Akala mo naman may nakakahawa akong sakit kung makapag-salita ka.” Sabi ko sa kanya.

“Wag ka kasing istorbo! Mag-isip ka ng ibang gagawin mo! Mag-bilyar ka sa likod!” Galit niya paring sinabi sa akin.

May kinalaman ba sa pagbibilyar kanina yung galit nito?

“Sorry kasi alam ko namang ayaw mo sa sports eh. Hindi ko naman sinasadyang dun mag-punta yung group kanina.” Talagang nagpaliwanag ako?

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon