Chapter 7 - Thanks for the treat. I appreciate it.

8.5K 86 28
                                    

Chapter 7 - Thanks for the treat. I appreciate it.

(Apol)

“I miss you so much. Please come back to me. Please please.”

Tinawagan ko si tita kanina pag-labas ko sa room ni Alex. Na-explain naman niya sakin na mahirap nga naman yung sitwasyon dahil bayad na, non-refundable ung bayad sa apartment at pasukan na din bukas. Nakaupo ako sa swing sa may mini-garden sa harap ng apartment. Bigla lang ako nalungkot. Bigla ko lang naisip si Kate. Ano kaya kung si Kate ang kasama ko dito sa apartment na to? Siguro ang saya. Tapos napatingin ako sa langit at may nakitang shooting star. Automatic nalang eh, nag-wish ako.

“I miss you so much. Please come back to me. Please please.”

May narinig akong footsteps. Natigil ako sa kahibangang ginagawa ko. Medyo nagpunas ako ng konting  luha. Nakita ko si Alex, nakabihis ng pang-alis. Parang frozen na siya in place nung napansin ko siya eh. Nakatingin lang siya sakin. Narinig niya kaya ako? Diyahe! Para akong dramatic actor nito.

“Oy miss feeling, san ka pupunta?” Medyo malakas kong tinanong. 

“Wala kang pakelam Monkey Boy!” Sinigaw nya pabalik sakin.

“Gabi na o! lalabas ka pa? delikado kaya.” Sabi ko sa kanya.

“O eh so what? Anong gusto mong gawin ko dito? Kumain ng damo? Eh sa nagugutom ako eh!” Sigaw ng sigaw tong babaeng to.

“Ako din hindi pa kumakain. Tara kain tayo sa labas.” Inaya ko siya.

“I wouldn’t even go to the end of the street with you!” Sigaw na naman niya.

“Bat ba ang suplada mo? Kinakausap ka na nga ng maayos e ang sungit sungit mo parin.” Sinabi ko ng seryoso.

“Hindi ako suplada! Hindi ako masungit! Nagkataon lang na hindi ako nakikipag-usap sa mga lalake. And you being one, I don’t think na may reason para mag-usap tayo!” Parang galit na galit naman to.

“What do you mean na hindi ka nakikipag-usap sa mga lalake? Are you a Lesbian?” Na-curious talaga ako.

“I am not a lesbian you piece of sh…. Whatever!” Madali siyang pumunta sa kotse niya.

Nice car. Chrysler 300C. Gusto ko yung car na yun eh. Teka nga, Bakit nga ba nagda-drive yun? Ilang taon na ba yun? Naku po baka hindi alam ng parents nya yan. Masundan nga. Anyway gutom na rin ako. Hindi ako nakapag-lunch kanina sa dami ng nangyari eh. Umakyat muna ako sa kwarto at kinuha ko yung susi. Pag labas ko, wala na yung kotse ni Alex. Well, sa tingin ko naman around Manila lang kakain yun. May pasok na din naman bukas. At mahahanap ko yun agad kasi ilan lang naman ang may Chrysler 300C dito. Bihira ako makakita nun eh. Nag-drive ako around Intramuros. Sabi ko na medaling mahanap yung car niya eh. Naka-park sa may Clam Shell restaurant. Sakto walang naka-park sa tabi ng car nya. Kaya dun ako nag-park. Lumabas ako ng car ko at pumasok sa restaurant. Nakita ko si Alex na nakaupo mag-isa sa isang table. Nagbabasa ng menu pero nakita kong may San mig light sa harap niya. Ano ba naman tong babaeng to? May pasok bukas tapos umiinom. Tsk! Buti nalang sumunod ako. Baka malasing pa to at kung ano magyari. Lumapit ako sa kanya. Hindi muna ako umupo. Tumayo lang ako sa gilid nya. Aasarin ko sana. Pero ako ang naasar nung nagsalita na siya.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon