Chapter 42.3 - Naaalala ko na ang lahat-lahat

6.1K 53 35
                                    

Dedicated to nikkalois :)

Thank you so much sa pag-fan! :)

Nakakatuwa! :)

----------------------------------------------------------------------

Guys,

O yan ha.. kahit saglit pa lang nag-upload na ko ha.. kahit na kakarampot pa lang ang votes.. hehe ;) pero next time magtatampo na ko.. chos! ;)

maraming salamat sa mga nag-basa ng one shot love story ko na "My TL" :)

sa mga hindi pa nakaka-basa, one click away lang yun.. or maybe two? chos! ;)

Please VOTE and COMMENT

pa-bithday nyo na sakin o.. lapit na eh.. ;)

lahat sana ng chapters hehe ;)

Be a fan na din if you like :)

Thank you all! :)

---------------------------------------------------------------------------------

Chapter 42.3 - Naaalala ko na ang lahat-lahat

(Alex)

“No. No need mama. Naaalala ko na po lahat-lahat.”

*Flashback*

“Tito tita! Umakyat po kayo dali! Nagwawala na naman po si Alex!” Sumigaw si Mon galing sa kwarto ko.

Nagmamadaling umakyat sina mama at papa.

Niyakap nila ako habang umiiyak ako at sumisigaw.

“I want him mama! I want my Jay Jay papa! Bakit niya ako iniwan? Bakit!”

“Tama na Alex. Tama na anak.” Umiiyak na din si mama.

“Sabi niya hindi niya ako iiwan! Pinangako niya sakin yun! Bakit siya nagsinungaling sakin? Bakit!”

“Sa tamang oras at panahon maiintindihan mo din anak. Maiintindihan mo din.” Sinabi ni papa habang hinahagod niya ang likuran ko.

Hindi ko alam kung dadating pa ang panahong iyon.

Araw araw ako ganito nung mga panahong yun.

Araw araw akong nagwawala. Sumisigaw. Umiiyak. Nasasakatan.

“Padating na sina doc. Tama na anak. Making ka kay mama. Mawawala lahat ng sakit na nararamdaman mo. Ipinapangako ko yan sayo.” Lumuluha paring sinasabi ni mama.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makarating ang dalawang doctor.

Psychologist at Psychiatrist.

Tinurukan muna nila ako ng pampakalma.

Matagal nila akong kinausap.

Araw araw nila akong kinakausap.

Halos buong bakasyon.

Dalawang buwan.

Kasabay nito ang mga gamot.

Madami akong tests na ti-nake.

Madami silang pinag-usapan na hindi ko masyado naintindihan.

Basta araw araw nila ako kinakausap.

Nag-promise sila na after ng lahat, magiging sobrang strong ako.

Hindi ko na nainitindihan kung anong ibig sabihin nun.

Dumating ang pasukan ng high school.

Huli kong natatandaan sa pangalang Jay Jay ay ang tanong ni mon sakin nung pasukan.

“Ok ka na ba bes?” Tanong ni Mon sakin.

“Oo naman. Bat naman ako hindi magiging ok?” Natatawa ko siyang tinanong.

“Eh kasi ano eh.. SI Jay Jay—“ Tumigil si Mon at tinignan ako.

Tinignan ko lang din siya at nagtanong.

“Ah eh bes. Di kita maintindihan. Sino si Jay Jay?”

*End of Flashback*

“Anak sorry. Yung paglalasing mo, alam namin yun. Hindi ka namin pinipigilan dahil ayaw na namin maalala mo ang masakit na pinagdaanan mo. Yung pagiging man-hater mo, dun natuon lahat ng galit at sama ng loob mo kay James. Naging sobrang strong ka. Pinabayaan namin yun lahat dahil mahal na mahal ka namin. Hindi rin naman namin magawang magalit kay James dahil naiintindihan namin siya. Sana hindi ka samin galit anak.” Mahinahong sinabi ni Mama.

“Hindi po ako galit. Naiintindihan ko po kayo. Thank you mama, Thank you papa.” Nag-sigh ako at pinunasan ang mga luha ko.

Nanghihina parin ako.

Pero naiintindihan ko na.

“Anak mag-usap kayo ni James. Madami kayong dapat pag-usapan. Sana maging maayos kayo.” Sabi naman ni Papa.

“Ok po.” Sabi ko.

“Sige po tito at tita. Thank you po. Ingat po kayo jan.” Nagba-bye na si James sa kanila.

Nakatingin lang ako sa window ng kotse.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko.

Narinig kong nag-dial ang phone ni James.

May nagsalita.

“Hello?” Boses ni Mon.

“Hello Mon?” Sabi ni James

Tumingin ako kay James. Nakatingin siya sa cellphone niya.

“S-sino to?” Tanong ni Mon.

“Si Jay Jay to.” Sabi ni James.

Tumahimik ulit.

Nag-decide akong kausapin si Mon.

“Bes.” Sabi ko.

“A-alex? Alex? Bes, Nasan ka?” parang nagpapanic na tanong ni Mon.

“Andito ako sa kotse ni Jay—ni James.” Sabi ko sa kanya.

“Ok ka lang ba bes? Nasan kayo? Puntahan ko kayo. Teka papasundo lang ako kay Pat—“

“Naalala mo ba ako Mon?” Biglang nagtanong si James.

“Sinong makakalimot sayo Jay— James? Pano ko makakalimutan ang sakit na pinagdaanan ni Alex dahil sayo?” Medyo bitter na sagot ni Mon.

“Nung 3rd year high school at nagkasalubong tayo sa mall, hindi mo ako pinansin. Nakilala mo ba ako nun?” Si James naman ang mukhang confused ngayon.

“Oo. Hinila ko agad si Alex diba? Alam mo James hindi ako galit sayo. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawang iwan si Alex. Hindi ko naman sinasadyang hindi ka pansinin. Natakot lang ako na maulit yung dati. Lahat ng pagwawala ni Alex at pag-iyak ng matagal na panahon, kasama niya ako nung pinagdaanan niya yun. I was just trying to protect her.” Sabi ni Mon.

“I understand.” Malungkot na sagot ni James.

“Alex anjan ka pa ba? Ok ka lang ba? Nasan ba kasi kayo? Pupuntahan ka namin jan.” Sabi ni Mon.

“I’m ok Mon. I guess Jay—James and I need to talk. Bye bes.” Sabi ko kay Mon.

“Are you sure?” Tanong ni Mon.

“She’s sure Mon. Thanks sa time at sa pag-alaga kay Potpy all these years. I owe you so much.” Sabi ni James habang ready na i-end yung call.

“Teka teka pano si Apol?” Tanong ni Mon.

Napindot na ni james yung end call.

“Ay sorry. Want me to call her again?” Tanong ni James sakin.

“No need. Pero teka... Oo nga pala. Si Apol!”

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon