Chapter 30 ­ - I'm giving you a perfect score

7.2K 69 36
                                    

Dedicated to babe23

Thank you so much :)

I appreciate it :)


Chapter 30 ­- I’m giving you a perfect score

 

(Apol)

 

Bago kami matulog sa kanya kanyang kwarto ni Alex. Nagdecide ako na ipakita sa lahat na siya lang talaga ang gusto ko at siya lang ang nililigawan ko.

Gabi palang alam ko na kung anong unang move ang gagawin ko.

Nung umaga, halos same routine lang with a twist.

Ginising ko si Alex, nag-akyat ako ng breakfast in bed at sabay kaming kumain sa kwarto niya tapos nag-ready na kami para sa school.

Umalis kami ng bahay ng 10:15am na magkaiba parin ang car.

Pumasok kami sa Drawing class.

Alam na namin ang topic dahil binanggit na to ni Architect Ignacio last Thursday.

Portrait.

Kaya masaya ako para kay Alex. Forte niya din yun bukod sa nude painting.

Magkaharap parin kami sa last table sa classroom. Nag-simula kami mag-drawing.

Pilit kong nilagyan ng harang ang drawing ko para hindi makita ng lahat.

Buti nalang walang nangulit at naki-tingin dahil busy sila sa mga sarili nilang dino-drawing.

Nung oras na para i-check ni Architect Ignacio yung portaits namin, tinaob ko yung akin.

Tinawag niya ulit isa-isa ang mga students niya.

Pagkatapos na pagkatapos i-check nung kay Alex, nakita kong nag-thumbs up si Architect Ignacio sa kanya. Parang nag-glow si Alex at ngumiti. Ang ganda ganda talaga ng sweet wine ko.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa umupo siya sa harap ko.

“Kamusta ang portrait?” Tinanong ko siya

Nag-smile siya at hinarap niya sakin ang ginawa niya.

Wow. Ang galing. Kuhang kuha niyang i-drawing si Katie Holmes. Tamang tama din ang shadings na required ni Architect.

1.25 ang grade niya. Almost perfect.

“Great job swee—“ Nagsimula ako.

Sasabihin ko sanang sweet wine pero pinandilatan niya ako ng chinita niyang mata. Grabe ang cute niya. Parang nag-marshmallow ang mga tuhod ko.

Nung tinawag ako ni Architect Ignacio, binigay ko ang drawing ko sa kanya.

Ngumiti si Architect.

Tumayo sa harap si Architect habang nasa gilid niya ako at nagsalita.

“Class, check out Ms. Alex Tan’s portrait, very intricate and almost perfect. I’d like to set that as an example of what a portrait should look like.” Sabi ni sir at nagpalakpakan ang students habang tinignan ng iba yung painting niya.

“That’s Katie Holmes right?” Tinanong ni Architect Ignacio si Alex.

“Yes sir.” Nahihiyang sagot nito habang medyo namumula.

Ang cute talaga ng sweet wine ko.

“But I hope you don’t mind Ms. Tan that someone got a higher grade than you. It’s still Mr. Cuenca. Akala ko din ikaw na ang pinaka-mataas for today’s exercise. Siguro ang nag-differ lang sa gawa mo at sa gawa niya eh yung meaning ng portrait. Your portrait is very intricate and very professional, while Mr. Cuenca’s was done the same thing but with love I would assume.” Nag-smile si Architec Ignacio sa class.

Mukha namang masaya parin si Alex pero parang na-curious siya sa kung anong sinasabi ni Architect Ignacio.

“Mr. Cuenca, akalain mong sa mas maganda pala tong babae sa drawing mo kesa sa isang Hollywood star na si Katie Holmes. Pag may pagmamahal pala, iba ang execution ng drawing. I’d like to incorporate that in everyone’s future exercises and projects.” Sabi ulit ni Architect Ignacio.

“I’d like to display this here in this room as an example of a perfect portrait for the benefit na din ng ibang class.” Dinikit ni Architect ang drawing sa gitna ng blackboard.

Pag-alis niya, nakita ng lahat ang portrait na ginawa ko.

Portrait ng isang magandang babae.

Sa baba nito may nakasulat.

Alexandra Sophia Tan. My Sweet Wine. by:  Apol Cuenca

 

May mga naghiyawan at pumalakpak.

Si Rufus at Todd parang nagtataka at tahimik lang sila.

Si Yen at Zen parang naiinis.

Si Cherry nanlaki ang mata.

Si Alex, Si Sweet wine ko, nakatakip ang isang kamay sa bibig niya at pulang pula.

“You may return to your seat Mr. Cuenca. And by the way, I’m giving you a perfect score.” Dagdag pa ni Architect Ignacio.

Bumalik ako sa upuan ko.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon