Chapter 29 - Sweet Wine

7.3K 66 35
                                    

Chapter 29 - Sweet Wine

(Alex)

May 2 subjects pa after ng Math. At ng matapos ang mga yun, dumiretso na ako agad at umuwi.

Hindi ko alam kung ano-ano ang nararamdaman ko.

Galit? Inis? Naiiyak? Masaya sa Math? Halo halo na talaga.

Dumiretso ako sa kwarto at humiga.

Nag-isip isip lang ako.

Naguguluhan ako. Mas magulo pa si Apol i-interpret kesa sa isang complicated Math problem.

Hindi ko siya maintindihan.

Una nakipag-date siya kay Cherry. Tapos ngayon kay Yen naman? Sino susunod, si Zen? Eh ano yung mga sinabi niya sakin? Wala lang ba yun? O ganun di ang sinabi niya sa iba?

Alam ko wala naman ako dapat i-impose sa kanya na mga dapat at hindi niya dapat gawin. Hindi naman kami eh. Pero bakit parang nadudurog ang puso ko? Bakit parang ang sakit?

Naluha ako bigla at di namamalayan na nakatulog na pala ako.

*knock knock knock*

 

*knock knock knock*

 

Dumilat ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table.

8:00pm na pala.

“Alex?” Narinig kong sinabi ni Apol sa may door.

Tumayo ako at binuksan ko ang pinto.

“O” Sabi ko lang kay Apol.

“Nag-luto ako. Kain na tayo.” Sabi naman nito.

“Hindi ako gutom.” Sabi ko sa kanya.

*growl*

 

Traydor tong tiyan na to o!

“Hindi ka nag-lunch diba? Panong hindi ka gutom?” Hay bute hindi niya narinig yung pag-growl ng tiyan ko.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon