Chapter 31.3 - Wala naman akong choice eh

7K 62 29
                                    

Chapter 31.3 – Wala naman akong choice eh

(Apol)

 

“Pinipili ko si Apol.”

Parang akong nanalo sa lotto sa narinig ko.

“Pinipili ko si Apol.”

Gusto kong i-rewind ng isang daang beses yung sagot ni Alex.

Gusto ko sumigaw. Gusto ko magtatatalon. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa at buong katawan ko. Para akong nilagaw ng matagal sa freezer.

“Ok all’s fair.” Sabi ni Rufus.

Lumapit ito sakin at nakipag-kamay.

Pinilit kong igalaw ang kamay ko para tangaapin ang pakikipag-shake hands niya. Buti nagawa ko naman.

“Pero pag sinaktan mo tong si Alex. Hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sayo.” Binulong nito sakin at lumabas.

Hindi ko siya sasaktan. Hinding hindi magkakaroon ng chance na maaagaw pa sakin ang sweet wine ko. Girlfriend ko na si Alex. Girlfriend. Ang sarap ng feeling.

“Fine fine fine! Pero pag naghiwalay kayo, ako naman ang makikipag-laban sa bilyar!” Sigaw ni Yen.

“Hindi ka naman marunong mag-bilyar.” Sabi naman ni Zen kay Yen.

“Mag-aaral ako!” Sigaw ulit ni Yen.

Lumabas na silang dalawa.

“Pare congrats!” Sabi ni Matt.

“Oo congrats” Sabi ni Tom.

“Dude, ang swerte mo! Akala ko ako ang pipiliin ni Alex eh! Hahaha!” Sabi naman ni Todd.

Lumabas na din sila.

Medyo lumapit ako kay Alex.

Naunang lumapit si Joseph sa kanya.

“Great game! Ang galing mo pala mag-bilyar. Eto calling card ko if interesado kang sumali sa association.” Inabot ni Joseph ang calling card kay Alex.

“Thanks. I’ll think about it.” Sabi naman ni Alex.

Lumabas na si Joseph.

Lumapit si Cherry kay Alex.

“Sorry Alex sa mga sinabi ko kanina. Akala ko kasi sabi mo man-hater ka. Tapos yung gusto ko pa yung nagka-gusto sayo at gusto mo na rin pala. Let’s start all over. Friends?” Sabi nito kay Alex.

“Friends.” Nagsmile si Alex kay Cherry at nag-hug sila.

Lumapit si Cherry sakin.

“Congrats Apol at sorry sa lahat ng kakulitan ko.” Sabi ni Cherry sakin.

“Ok lang Cherry.” Nagsmile ako sa kanya.

Lumabas si Cherry.

Dalawa nalang kami ng Sweet Wine ko sa area ng Billiard table na ginamit nila kanina.

Lumapit ako sa kanya.

“Sweet wine ko.” Kinuha ko ang kamay niya.

“Uhm..” Sabi lang nito.

“Wag ka na mahiya sakin. Boyfriend mo na ako.” Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

“Wala naman akong choice eh.” Sabi niya.

“Andami mo ngang choices eh. Andami nila. Pero ako ang pinili mo.” Sabi ko sa kanya.

“Ganun parin yun. Wala parin akong choice.” Sinabi niya.

“Ouch naman yun.” Nagtampo ako talaga. Binitiwan ko ang kamay niya at tumalikod.

Wala lang pala shang choice talaga. Sakit ha.

Kinuha ni Alex ang kamay ko at napilitan akong humarap sa kanya.

“Wala naman akong choice kundi sundin ang puso ko. Kaya ikaw ang pinili ko.” 

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon