Chapter 28.2 - BV!

7.1K 55 27
                                    

Chapter 28.2 - BV!

(Apol)

Pinagtulakan ako nina Rufus na tumabi kay Cherry. Hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko rin makausap to at linawin na hindi naman kami nag-date.

“Cherry bat mo sinabi yun kanina sa Filipino class?” Tinanong ko si Cherry habang nagsusulat si Mrs Cruz sa blackboard.

Sana naririnig ni Alex na tinatanong ko to kay Cherry para naman alam niya na wala akong idea kung bakit nasabi ni Cherry yun.

Sinulyapan ko si Alex. Nakatingin lang ito ng ditetso.

“Bakit naman hindi? Di ba ganun na din yun? First date natin un!” Nag-smile si Cherry sakin.

“Uminom lang tayo saglit ng tig-isang boteng beer.” Nakaka-frustrate naman tong si Cherry o!

“Ganun na din yun. Time is of the essence kaya kahit saglit lang yun, ganun parin yun.” At nag-smile siya ulit.

Hindi na ako nagsalita pa at parang wala naman patutunguhan dahil iniisip parin ni Cherry na date talaga yung nangyari.

Mamaya sa two-hour break kakausapin ko si Alex. Mag-eexpalain ako.

Natapos ang English class at mabilis na lumabas si Alex. Hahabulin ko sana kaso halos tumatakbo na siya paalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.

Sa kotse ko inubos ang two-hour break at nag-sound trip kahit na nagyaya ang iba na kumain. Sinabi ko nalang na naiwan ko yung math notebook ko at kukunin ko ito kahit dala-dala ko naman.

Math class. Nakita kong nakaupo na si Alex sa third row sa tabi ng bintana. May katabi na siya. Si Rufus.

Hay nako nakakainis.

Pumunta na lang ako sa last row sa tabi ng window. Tinabihan ako ni Yen. Katabi naman niya si Zen. Maya-maya ay napuno na ang classroom. Pumasok si Engineer Zulueta, ang Math professor namin.

Umikot si Engineer at pinasa ang resulta ng quiz namin last week.

Pag-bigay niya ng papel ko, may nakalsulat in red ink.

“Disappointing Grade.”

Ano ba yan. First quiz, bagsak agad. Alam ko naman na sa lahat eh Math ang pinaka-struggle ko talaga. Sana lang hindi naman sa first quiz. Nakakahiya. Architecture pa naman ang course ko.

Tinaob ko ang quiz paper sa desk ko.

“How’d you do sa quiz Apol?” Tanong sakin ni Yen na naka-smile.

“Not good.” Sabi ko naman.

“You know, I can teach you if you’re struggling. Look o, I got a 2.” Proud nitong sinabi sa akin.

Ako? 3.5 bagsak! Hays.

“Maybe.” Sabi ko naman sa kanya. Malay ko nga kung kailanganin ko talaga in the future ng tulong. Kailangan ko maka-graduate bilang Architect. Nakakahiya sa pamilya ko pag hindi nangyari yun. Gusto ko din na sabay kami maging Architect ni Alex.

“So let’s set a date. Hindi naman ako papayag na si Cherry lang ang maka-date mo no!” Sabi naman sakin ni Yen.

“We’ll see.” Sabi ko lang kahit na wala sa loob ko. Andami kong iniisip talga.

Nakita ko si Engineer Zulueta sa harap at nagsimula magsalita.

“Half of you did good. Some are ok. May ilang very disappointing ang results. One of you did exceptional.” Nagsimula itong magsalita.

“Ms. Alexandra Sophia Tan, I commend you for doing an exemplary job. Perfect sa first quiz. Keep up the good work.” Sinabi ni Engineer habang nakatingin kay Alexat nakangiti.

Tinignan ko si Alex. Parang nahihiya siya sa compliment ni Engineer pero nag-smile naman siya.

“As for you Mr. Apolonio Estefano Cuenca, please study harder.” Sabi nito.

Alam kong pranka si Engineer. Pero sana hindi naman sinabi sa buong klase. Nakakahiya.

“Don’t worry sir, ako pong bahala kay Apol. We’re gonna have a study date.” Biglang sinabi ni Yen ng malakas.

“Very well then.” Sabi naman ni Engineer.

Nagulat ako sa sinabi ni Yen. Hindi ako nakapag-salita.

Ano ba naman tong araw na to puro bad vibes!

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon