Chapter 27 - Ano daw? DATE?!

7.3K 59 35
                                    

Dedicated to Leslie :)

Salamat sa mga comments..

Well appreciated :)

Chapter 27 - Ano daw? DATE?!

(Apol)

“Alex….. I LOVE YOU.”

“Apol….

 INOM TAYO!”

Ano ba namang klaseng sagot yun?

Wala ba akong pag-asa kay Alex?

Nababaliw na ako kakaisip.

Andito ako ngayon sa Mini-stop. Tinititigan ko lang yung mga Alak sa ref nila. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Paulit ulit sa isip ko yung mga sinabi ko at yung sagot ni Alex. Gulong-gulo ako talaga.

Siguro nga masyadong mabilis. Pero naman sinabi ko naman na hindi ko siya minamadali eh.

Pero naman kasi. Sino bang hindi maguguluhan sa sagot niya?

Kaso nararamdaman ko eh.

May feelings na din siya sakin kahit paano. Pero bakit ganun?

Nakatitig parin ako sa mga alak habang nag-iisip.

“Apol?”

Tumingin ako sa tumawag sakin.

“Uy, cherry.” Binati ko si Cherry.

“Ano naman ginagawa mo dito?” Tumingin siya sa tinitignan ko.

“ Ah.. iinom ka? Tara inom tayo!” Aya nito.

“Ah eh.. may kainuman ako sa apartment eh.” Sagot ko naman sa kanya.

“Sama ako! Wala naman akong gagawin. Wala naman tayong pasok bukas eh.” Patay!

“Ah eh.. Hindi mo kasi kilala Cherry Eh.” Hindi ko na alam ang irarason ko.

“Eto naman o.. Para namang hindi ako friendly. Kakaibiganin ko ang sino mang kainuman mo! Hindi naman ako kagaya ni Alex na medyo suplada eh.” Pabiro pa nitong sinabi.

Pag-banggit niya ng pangalan ni Alex. Parang natigilan na naman ako.

Ano ba kasing topak nung babaeng yun?

Haayy..

“Uy gising gising! Natulala ka naman jan! Hehehe.” Nag-wave siya sa harap ko.

“Ay sorry. Hindi ko pala kasi natanong kung anong bibiling inumin. Naguguluhan tuloy ako.” Nag white lie ako.

“O sige na nga. Mukhang hindi talaga ako invited. Pero inom muna tayo kahit tig-isang boteng beer jan sa labas sa may mga tables bago ka bumalik sa apartment mo.” Aya nito.

“Ah eh..” Nag-isip ako.

Sabagay tig-isang bote lang naman. At medyo hindi ko din alam ang sasabihin ko kay Alex after nung nangyari kanina. Sige na nga para makapag-isip naman ako kahit saglit.

“Sige Cherry. Pero tig-isang bote lang ha. Baka kasi mag-antay ng matagal yung kainuman ko eh.” Pumayag ako.

Bumili ako ng isang boteng Jose Cuervo Tequila para jay Alex at dalawang boteng SanMig light para samin ni Cherry.

Umupo kami sa labas.

“San dito ang apartment mo?” Tanong ni Cherry habang umiinom.

“Mga 2 blocks lang away from here.” Sagot ko naman.

“Eh si Alex gaano kalapit sa apartment mo?” Tanong nito ulit.

“Ah eh, di ko ma-describe eh. Basta malapit” Sabi ko.

“Wow neighbors pala kayo talaga. Ang swerte naman ni Alex.” Medyo mahina niyang sinabi.

“Ha? Ano? Bakit naman?” Nagtaka lang ako.

“Shempre ang lapit niya sayo. Madalas talaga kayong magkita kung ganun.” Sabi niya.

“Ah oo. Madalas nga.” Napainom ako ng medyo marami.

“Minsan punta naman ako sa apartment mo. Gusto ko makita san ka nakatira. Pati na rin kung san nakatira si Alex.” Sabi niya.

*ubo ubo* parang nasamid ako bigla.

“O easy lang! Hehe.. May naka-alala uyyy..” Biro nito.

“H-ha? Anong may naka-alala?” Tanong ko.

“Di ba sabi nila pag bigla kang nasamid, may naka-alala sayo. Sino kaya yun? Uyyy.. Sabagay sa itsura mong yan, siguradong maraming nakaka-alala sayo.” Nagsmile ito.

Talaga? Iniisip ako ni Alex! Yes!

Ang feeling ko lang diba? Hehe.

Ay, baka iniisip niya ako dahil ang tagal ko na. Makapag-paalam na nga kay Cherry, baka mag-away pa kami ng future GF ko. Naks! Wish! Haha.

“Ah ganun ba? Hehe.. Sige Cherry mauna na ako. Baka kasi yung kainuman ko ang naka-alala sakin eh. Baka hinahanap na tong alak.” Itinaas ko yung cuervo.

“O sige Apol ingat ha. Nice to finally have a date with you.” Nag-smile ulit ito at tumayo at naglakad paalis.

Huh? Ano daw? Date? Nyek.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon