Chapter 5 - Ms. Feeling and Monkey boy

8.6K 82 40
                                    

Chapter 5 - Ms. Feeling and Monkey Boy

(Apol)

Lintek namang buhay to o! Akala ko naman magiging ok na. Hinimatay pa tong si Miss Feeling! Ay sus!

Hiniga ko sa kama si Alex at umupo sa malapit sa kanya. Hindi ko naman alam kung anong gagawin sa mga taong hinihimatay. Ano nga ba?  Bubuhusan ng tubig? Papaypayan? Sisipain? Joke!  Tinitigan ko lang siya. Well, hindi naman siya pangit. Sa katunayan, maganda siya. Nasanay lang ako sa gandang mestiza kagaya ni Kate. Eto kasi Chinese beauty. Talak nga lang ng talak. Mas maganda siya pag tulog. Ang amo amo ng mukha niya. May boyfriend kaya siya? Ay nako ano ba tong iniisip ko. Hindi ko naman type tong babaeng masungit na to. Sinabihan pa akong rapist! Etong gwapong to rapist? Shet!

*knock knock*

May kumatok sa pintong bukas.

“Good Morning. Ikaw ba si Apple?” Tanong nung lalaki sa may pinto.

“Opo ako po. Pero mukhang may mis-communication pong nagaganap. Ako po si Apol. A-P-O-L. Apolonio. Kayo po ba si Manong Joey?” Tumayo ako.

“Oo ako si Manong Joey. Nakausap ko na ang tita mo. Pati ang parents ni Alex nakausap ko na din. Yung kanya-kanyang contact numbers nila binigay ko na rin sa kanila para makapag-usap sila tungkol dito sa…” Natigil siya sa pagsasalita.

“O anong nangyari kay Alex?” Mukhang nag-alala si manong Joey.

“Hinimatay po nung nakita ako eh. Nagwapuhan po ata masyado sakin. Hahaha!” Hindi naman natawa si Manong Joey.

“Teka sandal may kukunin ako sa baba.” Bumaba si manong Joey ng mabilis. Pag balik niya, may hawak siyang bulak. Lumapit siya kay Alex at bahagyang dinikit ang bulak sa ilong nito.

*Ubo Ubo*

“Ano yun? Ambaho.” Nanghihinang sinabi ni Alex at inangat niya ang upper body nya from pagkakahiga para makaupo sa kama.

“Malapit lang yung bibig mo sa ilong. Yun ang naamoy mo. Hahaha!” Walang nag-react sa joke ko. Kill joy naman tong dalawang to o!

“Ammonia yan para magising ka. Ok ka lang ba iha?” Tinanong ni Manong Joey si Alex. Nag-nod lang si Ms. Feeling.

“Ah eh Alex, Apol. Pasensya na kayo sa nangyari. Hindi ko naisip ilagay sa ad kung anong gender dapat ang titira dito. Hindi rin naman kasi klinaro sakin ng may-ari bago sila lumipad. Nawala talaga sa isip ko. Tumatanda na kasi ako. Sorry ha.” Explanation ni Manong Joey.

“Eh pero pano po yun manong? Ano na po ang mangyayari?” Tinanong ko si Manong Joey.

“Nakausap ko na kasi ang tita mo at ang parents ni Alex. Nakapirma na sila pareho ng kontrata. Pina-abogado nay un at pinadala na sa may ari sa States. Tinapatan din kasi ng tita mo yung 3months advance plus deposit na kagaya ng binayad ng parents ni Alex. Yun nga lang eh non-refundable kasi yung contract. At tsaka, pasukan na bukas. Mahihirapan na talaga kahit sino sa inyo ang lumipat pa kung pwede man.” Paliwanag ulit ni Manong Joey.

“Ano po sabi ng parents ko? I’m sure gagawa sila ng paraan.There’s no way that I’m living with a monkey boy for three freakin’ months!” Biglang tanong ni Miss Feeling.

“At sino naman nagsabi na gusto ko tumira sa iisang bahay kasama ka miss feeling? Para na rin akong tumira sa impyerno!” Sagot ko naman.

“O teka wag kayong mag-away. Eto may tumatawag. Teka lang ha, sagutin ko lang.” Lumabas si Manong Joey.

“You better leave this apartment now monkey boy!”

“You better be the one to do that! You’ve heard the man, we’ve paid for this already!”

“So have we! “

“I don’t care! You leave! you little miss socialite!”

“Shut up you ape! I’m not leaving this place! You leave!”

“Never!”

Nagtitigan lang kami ng masama sa isa’t isa.

Bumalik sa loob si manong Joey.

“Ah eh.. nakausap ko parents mo Alex. Nag-usap na sila ng tita mo Apol” Tumingin siya samin pareho.

“Nagkasundo sila na ok lang magkasama kayo dito ng 3 months. Kasi nga pasukan na din bukas. Iisipin nalang daw nila ano dapat gawin bago matapos ang tatlong buwan.” Parang hirap na hirap magpaliwanag si Manong Joey.

“What!”

“No Way!”

Sabay kami nag-salita ni Ms. Feeling.

“Sorry Alex at Apol ha. Sana magkasundo kayo.  Sige alis na ako ha. Madami pang gagawin sa bahay eh. Magsisimba pa kami ng mag-iina ko. Sorry ulit.” Umalis ng mabilis si Manong Joey.

“I’m gonna talk to my parents and sue you!” Sigaw ni Ms. Feeling

“Sue me? For what? Illegal possession of handsome face?” Nag-smirk ako.

“Ang kapal din ng mukha mo ano! Sino ang feeling satin? Ang pangit mo kaya! Yuck!” Nag-make face si Ms. Feeling.

“O sige whatever. Sue me for all I care. O sige na labas na sa kwarto ko.” Tinuro ko sa kanya yung door.

“Ano?! This is my room you monkey! Ikaw ang lumabas! Pag di ka lumabas, magsisisigaw ako hanggang sa hulihin ka ng policemen!” Mukhang tototohanin nya nga.

“Wow ha! Policemen? Socialite ka ba? Di nalang sabihin na pulis. May pa-policemen policemen ka pang sinasabi. Pano kung iisa lang yun? Edi Policeman lang dapat! Tanga! Hahaha!” Naghahalakhak ako ng malakas.

“OUT!!! AAAAAA!!!!” Sumigaw na nga siya.

Tumakbo ako sa tabi niya at tinakpan ko yung bibig niya at tinitigan siya. Mukha namang kumalma na siya. Kinausap ko siya habang nakatakip parin yung kamay ko sa bibig niya pero tinitigan ko siya habang nagsasalita ako.

“Ok fine. Dun na ako sa kabilang kwarto at dito ka na. Matagal tagal tayong magsasama sa bahay na to kaya sana magkasundo tayo.” Inalis ko yung kamay ko sa bibig niya. Kinuha ko yung bags ko at dumirecho sa pinto. Hindi ako lumabas agad. Bago ako lumabas, tumigil muna ako sa pinto at tumingin ako kay Alex.

“By the way. Ang ganda mo pala pag tulog.”

Me, You and HimWhere stories live. Discover now