Chapter 36.2 - We'll make this our destiny

6.6K 58 31
                                    

Please Vote, Comment and Be a fan if you like..

Thank you..

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 36.2 - We’ll make this our destiny

(Apol)

“I think you need to know my past.”

Tama nga bang ikwento ko pa kay Alex to? Hindi ko alam kung dapat pang malaman niya ang tungkol kay Kate dahil past naman na si Kate. At hindi rin naman nagtatanong si Alex about sa past ko.

Pero gusto kong ipaintindi sa kanya na capable ako magmahal ng isang tao lang. Kaya kong mahalin siya habang buhay. Ayokong dumating yung time na maramdaman ni Alex yung naramdaman ni Kate na ninakawan ko siya ng experience na maligawan ng iba at mahalin ng iba. Dahil pareho sila ni Kate. Pareho silang first relationship ako.

“Ok.” Sabi lang ni Alex.

“Si Kate. My first girlfriend. My ex-girlfriend. Ako rin ang first boyfriend niya. Almost 2 years kami. Iniwan niya ako dahil feeling niya sinasakal ko siya. Hindi daw niya na-experience na maligawan ng iba. Ang bata pa daw namin pero nalulungkot siya dahil 17 and settled na daw siya. Gusto pa niyang ma-experience ang maraming bagay. Kaya iniwan niya ako. Ayokong maulit yun. Kaya pinag-promise kita”

“I miss you so much. Please come back to me. Please please.” Binulong ni Alex pero narinig ko.

“Anong sabi mo sweet wine?” Tinignan ko si Alex. Malungkot siya.

“I miss you so much. Please come back to me. Please please. Narinig kong sinabi mo yun nung nasa garden ka nung unang araw na nagkakilala tayo. S-si Kate pala yun.” Malungkot ang pagkakasabi niya dito.

“Ayokong magsinungaling sayo at ayokong may tinatago sayo. Prinomise ko na sayo yun nun diba? Oo si Kate yun.” Sabi ko sa kanya.

“Naalala mo nung unang araw sa Filipino class at late ako kaya pinakanta ako? Naalala ko yung sinabi mong yun sa garden kaya yung kantang yun ang naisip ko.” Sabi ni Alex.

Tama pala ako. Para sa akin ang kantang yun.

“Pero tapos na yun Sweet wine. Ikaw na ang mahal ko. Tayo na ang nagmamahalan. Na-kwento ko lang sayo dahil ayoko na maulit yung nangyari noon.” Pag-explain ko sa kanya.

“Paano pag bumalik si Kate. Mamahalin mo parin kaya ako?” Malungkot na tanong ni Alex.

“Sana maniwala ka. Hindi ito rebound relationship Alex. Tinanong ko na rin ang sarili ko noon. Oo minahal ko si Kate. Pero yun na yun. Minahal. Past tense. Ikaw na ang mahal ko ngayon at mamahalin habang buhay.” I assured her.

“Nasasabi mo lang yan kasi wala siya eh. Hindi kaya dapat ako ang nagpapa-promise sayo ngayon? Hindi ko alam kung anong mangyayare kapag dumating ang time at nagkita ulit kayo ni Kate. Hindi ko alam kung kakayanin ko Apol.” Biglang umiyak si Alex.

“Sweet wine.. Alex.. Tumingin ka sakin.” PInilit kong iharap ang mukha niya sakin at tinitigan ko siya.

Nadudurog ang puso ko. Ayokong malungkot ang sweet wine ko. Mahal na mahal ko to eh.

“Sweet wine. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Ikaw lang. Sana naman maniwala ka. If ever man bumalik si Kate, makikita mong wala na akong nararamdaman para sa kanya. Wala na talaga. Wala na ngang pangalang pinipintig ang puso ko kundi Alex Alex Alex. Wala ng umiikot sa utak ko kundi ang mukha mo at ang magaganda mong mga mata. Alex mahal na mahal kita. Maniwala ka naman. Kaya kita pinag-promise dahil kung nakayanan kong mawala si Kate noon eh hindi ko kakayanin na ikaw ang mawala. Hindi ko kaya talaga.” Maniwala ka naman sakin Alex please.

Umiyak lang siya ng umiyak.

Alam ko naman ang takot ni Alex eh. Pero hindi ko alam kung paano ko mapapatunayan na siya na talaga ang mahal ko at wala ng iba. Siya lang ang tinitibok ng puso ko.

“Fate brought us together. Lahat ng bagay may rason. Lahat ng pangyayari sa mga buhay natin may dahilan. Napadpad tayo sa apartment na to dahil gusto ni God na magkakilala tayo. Gusto ni God na makitang tayo ang magmahalan. Pati nga ang pagigigng man-hater mo walang nagawa sa dikta ng Fate eh. Yun yun Sweet wine eh. Destiny.” Hinaplos ko ang mukha niya.

“Sana nga ngayon pa lang eto na talaga ang destiny Apol. Sana eto nay un. Pero in reality maaga pa. Mahaba pa ann buhay. Hindi ko alam kung eto na talaga yun.” Pinunasan ko ang luha niya sa mga mata.

“Then we’ll make this our destiny. Please believe me Alex. Mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Ikaw lang at wala ng iba.”

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon