Chapter 37.1 - Ako? Threatened? Sus!

6.6K 58 13
                                    

Dedicated to RojeletteRemigioLamu

Thank you for being a fan! :)

Na-appreciate ko! :)

Salamat nga pala sa mga nag-comment at nag-vote :)

Next time na ko sasagot ha? Sleepy na kasi.. ;)

VOTE, COMMENT and BE A FAN if you like :)

Thank you!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Chapter 37.1 - Ako? Threatened? Sus!

(Apol)

 

 

“Haaayyyy.. Kilala nyo ba si James Tee?”

 

 

James Tee?

Yung commercial model ng shampoo, Gamot sa lagnat, Fast food restaurant, Broadband internet, Cellphone at kung ano ano pa?

Oo kilala ko yun. Kanina lang sa basketball practice pinag-uusapan yun.

*Flashback*

“Pare olats na naman sa girls nito eh. Second sem na wala pa akong girlfriend.” Sabi ni Brad na ka-varsity  namin ni Todd.

“Ako meron na dude! Sinagot na ako ni Cherry kahapon.” Sabi naman ni Todd na nakangiti.

“Talaga pre? Congrats!” Sabi ko naman at tinapik ko siya sa likod.

“O sige kayo na ang swerte. Kayo ang may magagandang girlfriends. Ako na ang malas.” Sabi ni Brad at umiling-iling.

“Manligaw ka kasi dude hindi yung puro titig lang sus!” Sabi ni Todd kay Brad.

“Eh pano naman yun? Eh yung type ko habol ng habol dun sa classmate naming new student. Palibhasa commercial model.” Sabi ni Brad.

“Commercial model ng ano?” Tinanong ko naman.

“Feminine wipes?” Tinanong naman ni Todd.

Tumawa kami.

“Mga baliw. Yung lalakeng pinaka-maraming commercial ngayon sa TV. Si James Tee.” Sagot naman ni Brad.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon