Previous Page of 2Next Page

Me, You and Him

spinner.gif

 Chapter 1.1 - A series of flashback

(Alex)

 

*Flashback- 2months ago*

 

One morning, nag-uusap si papa at mama na magkatabi sa sofa habang nakabukas ang tv. Akala nila tulog pa ako. Actually, kagigising ko lang. Nasa likod lang nila ako dahil tinitignan ko yung pinapanood nila na ibang language (Spanish ata) pero wala naming sub-title kaya nagtataka ako kung bakit sila nanonood ng ganun eh hindi naman nila naiintindihan. Magsasalita n sana ako pero biglang niyakap ni papa si mama..

 

“Wag kang mag-alala. Konting adjustment lang to. Kaya natin to.” Kiniss ni papa si mama sa noo.

 

“Pano si Alex?” Ano daw?

 

“Magka-college na si Alex. Mature naman mag-isip ang anak natin. Maiintindihan niya. Hindi naman natin siya pipigilan sa kung ano ang sa tingin niyang tama para sa kanya. Kaya na niya mamili ng kung ano ang gagwin” Maiintindihan ko? Hindi pipigilan sa tama para sa akin? Mamili? Ha? Ano kaya yun? Maghihiwalay na ba sila? Kailangan ko ba pumili kung kanino sasama?

 

Nagyakapan ulit sila ng mahigpit. Ewwww. Parents!

 

Inantay ko sila magbitiw sa pagkakayakap. Kaso antagal eh. Hindi na ako talaga nakatiis tanungin sila.

 

“Ano yan?  Goodbye hug? Maghihiwalay na ba kayo?" Nakapamewang kong tinanong habang nakatayo parin sa likod nila.

 

Ganyan din naman talaga kami mag-usap ng normal. Parang friends lang. Very close kasi ako sa parents ko. Siguro dahil din nag-iisang anak ako at very sheltered.

 

Nagulat sila at nagbitiw sa pagkakayakap tapos sabay silang lumingon at tumingin sa akin na parang guilty.

 

“Sabi nyo nga mature ako mag-isip diba? Bat di nyo pa ako diretsuhin?” Ang tapang ko lang magsalita diba? Pero deep inside, parang malapit na ako maiyak.

 

“Halika anak, mag-usap tayo.” Tinawag ako ni mama at pinaupo sa gitna nila ni papa sa sofa.

 

Umupo naman ako.

 

Mga two minutes na walang nagsasalita…

 

“O Ano na? Tatambay lang tayong tatlo dito?”Nakaka-frustrate kasi eh.

 

“Sabihin nyo na sakin kung maghihiwalay na kayo. Kailangan ko ba pumili ng sasamahan sa inyo?” Ayan nanginig na ang boses ko. Hindi ko na kaya magtapang-tapangan.

 

“Hahaha! Anak..” Simulang sabihin ni papa. Ano ba yun? Natawa siya?

 

Tumahimik ako at naghintay sa pagpapatuloy ng sasabihin niya. Hindi ko na rin kasi ata kaya magsalita ng hindi maiiyak eh.

 

“Hindi kami maghihiwalay ng mama mo anak. I’m more in-love with her today than yesterday.” Ano daw? Parang kanta yun diba? Iniba lang ng konti yung lyrics. Tsk tsk. Papa talaga o, walang originality. Baduy pa! Yak!

 

“Ang ibig sabihin ng papa mo, hindi mo kailangan mag-worry na magiging broken family tayo.” Sabi naman ni mama habang sinusuklay nya yung buhok ko gamit ng kamay nya.

 

“Eh anong mga sinasabi nyo kanina. Paki explain nga.” Nako-confuse at nafu-frustrate na talaga ako!

 

“Ganito kasi yun anak.. Isasara na natin yung store. May mas malaking store na lilipatan yung business natin.” Sabi ni papa.

 

“O eh bakit napaka-mysterious nyo naman kung yun lang naman pala. May pa-long embrace long embrace pa kayong nalalaman at nagwo-worry pa kayo sakin. Sus!” Kaloka tong dalawang to.

 

“Anak, saan mo ba talaga balak mag-college?” Tanong naman ni mama.

 

“Sa Mapua nga ma. Gusto ko talaga maging Architect. Pero kumuha din naman ako ng entrance exams sa iba pang schools around Manila.” Alam naman nila to eh. Paulit-ulit? Unli? Hays.

 

“Around Manila lang anak? Wala ka ng iba pang iko-consider na options?” Tanong naman ni papa.

 

“Kung college, hindi ba’t mas maraming colleges sa Manila? Saan pa ba? Teka bakit? Saan ba yung store na lilipatan kasi?” Nag-kamot ako ng ulo.

 

“Anak, hindi ba majority ng mga students sa Mapua eh boys. Pano na yun?” Iwas sagot naman si mama. Oo, aware silang dalawa na man-hater ako.

 

“Diskarte ko na yun ma. Ba’t ba hindi nyo sinasagot ung tanong ko? Saang store ba kasi lilipat” Ayan, kinabahan nanaman ako.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (22)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended