Chapter 31.1 - Billiards

7K 57 18
                                    

Chapter 31.1 - Billiards

(Apol)

 

“Eh pano pag ako ang nanalo?”

 

Ha? Ano daw? Anong pinagsasabi nito ni Alex?  Bilyar? Wala namang kahilig hilig sa sports to eh.

“Lex, anong sinasabi mo?” Tanong ni Apol.

“Lalaban ako.” Nakangiting sabi ni Alex.

“Sa Bilyar?” Tanong ni Rufus.

“Hinde.. sa golf! Malamang sa bilyar. Andito na tayo diba?” Sagot ni Alex.

“Pag nanalo ka ano?” Tanong ni Matt.

“Pag-nanalo ako, pabayaan nyo akong pumili ng gusto ko kahit manligaw kayong dalawa. Bibigyan nyo ako ng time.” Sabi ni Alex.

“Hindi pwede yun Alex. Ngayon palang magpapatayan na silang dalawa na nanliligaw palang. Magandang tapusin nyo to ngayon. Kapag nanalo ka, pipili ka sa kanilang dalawa ng sasagutin mo.” Biglang nagsalita si Cherry.

“Mas maganda yun! At least kung mananalo si Alex, yung gusto niya talaga ang pipiliin niya hindi yung pag-nanalo ang isa dito sa dalawang to eh walang choice si Alex kundi maging boyfriend kung sino man ang manalo.” Sabi ni Tom.

“Pag-nanalo si Alex, kahit ako pwede niyang piliin.” Sabi naman bigla ni Todd na tumatawa.

“Tama Alex. Kahit sinong gusto mo pwede.” Sabi ni Matt.

Ano ba naman tong pinasok ko?

“O sige. Sinong kalaban ko?” Tanong ko naman.

“Oy kung sino sa inyong mga babae ang mananalo, ibig sabihin hindi magbo-boyfriend si Alex. Walang manliligaw sa kanya sa grupong to. Pero pag nanalo si Alex, kahit sinong piliin nito, wala ng pwedeng makelam kahit sino satin.” Sabi ni Tom.

“Ay gusto ko yan! Kaso hindi naman ako marunong mag-bilyar.” Sabi ni Yen.

“Teka, pwedeng maghanap ng makakalaban ni Alex?” Tanong ni Zen.

“Sige ok!” Sabi ni Matt.

Naglakad palayo si Zen. May nilapitang lalake at binulungan. Maya-maya kasama na niya yung lalake papunta samin.

“Siya si Joseph Esguerra. President ng Billiard Association ng Manila Schools. SIya ang kalaban mo Alex.” Sabi ni Zen at nag-smirk.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon