Chapter 18

178K 1.7K 238
                                    

-Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

Masaya ko. Yun lang ang alam ko ngayon, Masaya ako. Siguro dahil sa, kasama ko yung taong gusto ko? or dahil gusto din ako ng taong gusto ko? or dahil sa tsinelas na binili ko? Hindi ko na alam. ^_^

Nakabalik na kami sa private resort nila Justin. Sinuot ko na agad yung tsinelas, pagbaba ko ng sasakyan. Gusto ko na mafeel yung buhangin. Malamig yung siimoy ng hangin. Fresh air pero malamig. Giniginaw ako! Feel ko first ko mag shorts eh.

"Bakit pala nakashorts ka?" tanong sakin ni Justin habang naglalakad kasabay ko.

"Eh si Ross kasi eh, kung anu-ano dinalang damit sakin." angal ko sakanya.

"Ang ganun. Tsk! Teka nga, may kukunin lang ako. Dumiretso ka na sa kitchen, nanduon silang lahat." tumakbo papaakyat si Justin. Anong kukunin nun? Kung kelan namang kakain na eh.

Dumiretso ako sa kitchen. Kahit yung kitchen nila malaki eh? Maluwag. Nakita ko si Ross at Mel na abalang abala sa pag tutusok ng hotdogs and mallows sa sticks tapos sila Flip and Kriston naman, abala sa mga cold drinks. Habang nakikita ko sila sa mga ginagawa nila, hindi ko mapigilang ngumiti eh.

"Uy banana! Kunin mo naman yung mga sandwiches na ginawa namin kanina dito oh!" sigaw ni Kriston sa akin. Lumapit naman ako para kunin yung mga sandwich. Teka? Ilan ba kaming kakain? Bakit parang ang dami nito?

"San ka ba galing? Bakit ang tagal mo?" tanong naman sakin ni Mel.

"Asan si Justin?" tanong sakin ni Ross.

"Uy banana. Ganda legs ah? First time!" sigaw sakin ni Flip.

"Naman no! Nasa lahi eh." Sabat ni Ross tapos tumawa lang sila. Hindi naman nila ko trip niyan? Ayus lang na asarin nila ko, as long as they're happy.

"Oy, suotin mo nga to!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw. si Justin pala? May dala siyang pajama na cotton na black. Ang cute nung pagkakacotton! Eh teka? Bakit may pajama siya na pambabae?

"Ha? eh kanino yan? Mamaya nalang." sabi ko sakanya. Tahimik silang lahat, nakikinig lang sila sa amin ni Justin.

"Uy, itago mo daw legs mo, sabi ni boyfriend!" sigaw ni Kriston sa akin.

"Teka, sila ba par?" tanong ni Flip kay Kriston.

"Psh. Lul! Baka lamukin lang kasi siya!" sigaw ni Justin habang tapos binato sakin yung pajama. Bad boyfriend.

"Kayo ba?" tanong sakin ni Ross.

"Teka? Girlfriend ka na niya? ganon?" tanong naman sakin ni Mel. Hala! Tinadtad daw ba ko ng tanong.

"Oy, suotin mo nayan!" sigaw sakin ni Justin habang may kinukuha siya sa fridge.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon