Chapter thirty eight

5.3K 199 69
                                    

~~PAST~~

Simula ng maging ok sila ni papa ay natuto na itong tanggapin si lionel. Dito na rin tumitira itong lalaking ito. Araw-araw kaming magkasama. Kung nasaan ako nandoon din siya, sobrang protective nito sa akin. Wala siyang pakialam kung lambingin niya ako sa harap ng maraming tao. Wag daw kaming dumepende sa panghuhusga at pangmamata ng iba para maging masaya. Dahil ang pagiging masaya ay hindi nakikita sa bibig at salita nila kundi sa puso mo.. sa sinasabi ng puso mo. Yan ang sabi nitong mapapangasawa ko. Kahit barumbado at magulo ang pag-uugali ng lalaking ito. Aaminin ko, walang araw na hindi ako kinilig sa kanya. Siya yung klase ng taong kaya kang ipagtanggol at mahalin ng walang pag-aalinlangan.

Swerte ko ba kase sa dami ng babaeng nakilala niya. Sa akin lang siya naging ganito?

"Mister madrid. Pwede bang ikaw na lang ang maging escort ng section natin? Ikaw lang kase ang tinuturo ng mga kaklase mo eh" ang sabi ni maam kay lionel.

Tiningnan lang ni lionel ang muse namin.

"Maganda siya ah.." ang sabi nito. "Maam alam ko pong gwapo ako at habulin ng mga babae pero pasensya na po talaga. Ayokong magalit itong mapapangasawa ko. Madali lang pong sumikat at hangaan ng marami pero ang maging masaya sa piling ng taong mahal mo. Sobrang hirap po. Ayoko pong nakikita siyang nasasaktan kapag nasa piling ako ng iba. Humanap na lang po kayo ng taong pwede niyong itambal sa kanya wag lang ako" ang sabi nito saka kumindat sa akin.

Inirapan ko lang siya, tong lalaking to talaga. Lumapit ako sa kanya at binulungan ito.

"Lionel hindi naman ako magagalit eh. Ok lang sa akin pramis, sige na pumayag ka ng maging escort niya" ang bulong ko dito.

"Hon ayoko. Basta ayoko. Ayokong isipin nila na mas bagay kami kesa mas bagay tayo. Jerol naman eh, sayo lang ako! Mahal na mahal kita at ayokong humantong na masaktan ka pa" bigla naman akong natameme sa sinabi nito.

Natauhan na lang ako ng maramdaman kong hainalikan niya ako sa pisnge. Pagtingin ko sa kanya ay pasipol sipol ito at palihim na tumingin sa akin at tumingin ulit sa unahan at saka ngumiti. Napakunot noo na lang ako sa kabaliwan nitong boyfriend ko.

"O bakit ka ngumingiti ngiti diyan?" Tanong nito.

"E baliw ka kase.. alam mo namang nandito tayo sa class room tas ikikiss mo ako saka baka makita tayo ni maam"

"E ano naman kung makita nila tayo? Edi matuwa sila, mandiri sila. Sila ba ang magpapasaya sa akin? May ginawa ba tayong hindi kanais-nais? Kiniss lang naman kita ah, to show you how huch i love you and how much kilig you gave to me hihihi" ang sabi nito.

Another Hay! Kinukha ko na lang ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.

"Makinig ka kay maam ah. Pipingutin talaga kita diyan kapag nagpasaway ka" sabi ko. "Mahal na mahal din kita lionel"

"Hon naman eh.. gusto na tuloy kitang pakasalanan"

"Mukha mo! Mag-aral ka muna ng mabuti para may mapakain tayo sa mga anak natin" ang sabi ko dito.

"Yes boss! Gagalingan ko para ipakita sayo na kaya ko kayong buhayin" ikikiss nanaman niya sana ako ng iharang ko ang notebook na hawak ko. Hahaha.. napanguso lang siya.

"Mamaya ka hon sa akin, pupudpudin ko yang labi mo ng halik sa bahay" ang nakangising sabi nito.

"Susumbong naman kita kay papa" banta ko dito.

"Isusumbong din kita kay papa at mama na hindi mo na ako mahal"

"Heh! Makinig ka nga kay maam" saway ko dito.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora