Chapter nine

5.3K 363 19
                                    

Jerol's POV

"Ahmm.. manang pwede po bang i-akyat nyo muna sila sa taas" ang pagtutukoy ko kay jonel at kay baby bunso.

Kinuha naman ni manang si baby bunso mula sa akin at ini-akyat sila sa taas kasama si jonel. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila makita.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni lionel ang kamay ko at humarap kami pareho kay cheska.

"Maupo po muna kayo" ang pag-alok ko sa kanya.

Kung titingnan mo siya ay mukha siyang nasa trenta anyos pataas. Bakas din sa mukha nito ang pagiging maganda. Mukha rin siyang may kaya sa buhay base sa kanyang pananamit.

"Ano pong kelangan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang makita at maka-usap ang anak ko" ang seryosong sabi niya.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni lionel.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kabang nararamdaman ko. Naluluha narin ako ng hindi ko malaman.

Siguro ay dahil takot akong may marinig sa kanya na hindi ko magugustuhan.

"Bakit?" Ang tangi ko lang nasabi. Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Anong bakit?" Ang naguguluhang tanong nito.

Umakbay sa akin si lionel at marahang hinagod ang likod ko. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. Binalik ko ang tingin kay cheska.

Huminga ulit ako ng malalim.

"Bakit? Bakit kayo bumalik?" Ang diretsang tanong ko sa kanya.

"Gusto kong kuhain ang anak ko. Gusto kong mabuo ulit ang pamilya namin" ang diretsang ring sagot nito.

Hindi ko naman maiwasang tumawa sa sinabi nya.

"Nagpapatawa ba kayo? Mabuo? Talaga lang ha? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon nyo pa naisipan yan ha? Bakit hindi pa noon?" Ang nanginginig kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang siya.

"Dahil magulang niya ako at ako ang nanay niya"

"Magulang? Maaari ngang kayo ang magulang ni jonel dahil kayo ang nagluwal sa kanya, pero hindi lang dapat duon natatapos ang pagiging isang magulang! Kundi, kung paano mo ito palalakihin, aalagaan, gagabayan at mahalin hanggang sa paglaki nito. Iniwan niyo siya, anak na namin siya at legal na proseso ang ginawa namin para maging amin siya. Uulitin ko po anak namin siya" ang nangingig pa ring sabi ko na ilang segundo lang ay maaari ng tumulo ang luha ko.

"Alam ko. Kaya nga ako bumalik eh, para makita ko ang anak ko. Para makasama ko ulit siya, para bawiin ang mga araw na hindi kami magkasama" ang naluluhang sabi nito. "Intindihin nyo naman ako. Ako pa rin ang nagluwal sa kanya"

Tumingin ako kay lionel at sinagot ulit si cheska.

"Inisip niyo ba at inintindi niyo ba ang kalagayan ng anak niyo noong iniwan niyo siya? Inintindi niyo ba kung anong pangungulila ang naranasan niya sa kanyang murang edad? Inintindi niyo ba kung kailangan niya ng pagkalinga ng isang ina? Tunay na ina? Diba hindi! Tapos sasabihin niyong babawiin niyo siya at bubuoin nyo ulit ang pamilya niyo? Paano kami? Ganun nalang po ba yun?" Ang naluluha ko ng sabi.

Niyakap ako ni lionel habang hinihimas nito ang ulo ko. Nanatili lang ako sa mga bisig niya habang umiiyak.

Alam kong ina siya ni jonel at wala kaming laban doon. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa! Kung kailan tinuring na namin siyang tunay na anak.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now