Chapter ten

5.7K 317 11
                                    

Jerol's POV

Sunday.

Napagka-sunduan namin ni cheska na tuwing hapon na lang niya bibisitahin si jonel. Buti naman at pumayag ito. Ayoko rin naman na ipagkait sa anak ko ang kanyang pinagmulan.

"Tulala ka hon?" Ang sabi ni lionel sa akin. Humiga ito sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Hon naman eh, hindi na po ako makahinga" ang sabi ko habang nanunulis ang nguso ko. E paano ba naman kung makayakap ay sobrang higpit. Bigla niya akong hinalikan sa labi.

"Waaahh!! Magnanakaw! Magnanakaw ka!" Ang sabi ko habang pinagpapalo ko siya sa braso. Tawa lang ito ng tawa.

"E ano naman? Hindi mo na po ba ako mahal?" Ang malungkot na sabi nito at saka tumalikod sa akin.

Hala? Nagtatampo ang asawa ko hahaha.. lumapit ako sa kanya at niyakap ito mula sa likod at saka ko ipinatong ang aking ulo sa balikat niya.

"Wag kana pong magtampo asawa ko. Syempre naman, mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ni jerol mo" ang sabi ko at hinalikan ko siya sa pisnge habang nakayakap ako sa kanya.

"Talaga?" Ang parang batang sabi nito habang nagtatampo. Hay!! Sinumpong na naman itong asawa ko ng pagka-isip bata niya.

"Opo! Si jerol ay para kay lionel lang at..." ang sabi ko.

"At si lionel ay para kay jerol lang" ang pagtutuloy nito sa sasabihin ko. Humarap sya sa akin at hinalikan ako sa labi.

Umayos ako ng upo sa kama habang ito ay umupo paharap sa akin. Pareho kaming naka indian sit sa kama, habang pareho kaming magkaharap sa isa't-isa.

Hinawakan niya ang tigkabila kong kamay at tinitigan niya ako sa aking mga mata.

Huminga muna siya ng malalim.

"Hon, ayokong nakikita kang hindi nakangiti. Nasasaktan ako. Ayokong nakikita kang problemado. Nasasaktan ako at ayokong nakikita kang malungkot. Sobrang nasasaktan ako" ang sabi nya. Hinalikan nya ang dalawa kong kamay at tumitig sa akin.

"Ang gusto ko ay makita ang masayang si jerol, ang hon ko, ang asawa ko at ang ama ng mga anak ko"

Hindi ko maintindihan ang nararamdam ko ngayon. Parang naghalo halo ang saya, kilig, at pagmamahal. Naiiyak ako. Napaka swerte ko sa kanya. Napaka swerte ko sa asawa ko.

"Salamat at nandyan ka.... asawa ko" pinisil ko ang pisnge niya at hinalikan ko sya sa labi.

"Syempre! Kaya nga kita pinakasalan eh, para mahalin ka! hindi ang saktan ka! Kaya nga kita minahal eh, para pasayahin ka, hindi ang pa-iyakin ka! Kaya nga kita minahal eh, para tumanda tayong magkasama! Kasama ang mga anak mo"

Dahil sa sobrang kilig ay sumubsob ako sa kanyang dibdib. Niyakap niya ako ng mahigpit habang tawa sya ng tawa.

"Naman eh! Lage nalang. Lage mo nalang ako pinapakilig. Nakakainis kang lalaki ka" ang sabi ko sa kanya habang naka subsob parin ako sa dibdib niya. Hinalikan niya ako sa ulo.

"Hahaha.. pulang pula na ng asawa ko oh! Ang cute cute talaga. Subukan lang talaga nilang agawin ka sa akin. Makikita nila ang hinahanap nila. Sh*t! Hinding hindi kita pagsasawaan hon ko. Sobra sobra sobra kitang mahal na mahal na mahal" saad niya.

Niyakap niya ako ng pagka higpit higpit. Na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Hinawakan nya ang baba ko para humarap sa kanya at saka nya ako tinitigan sa aking mga mata.

"Mahal po kita jerol, hon ko" ang sabi nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Mas mahal kita lionel, hon ko" ang sabi ko. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paglapat ng kanyang mga labi.

The Modern Family (BoyxBoy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now